Veronica

Veronica, may natuklasan sa mga labi ni Jaclyn

March 7, 2024 Eugene E. Asis 330 views

JaclynMAY rebelasyon ang kapatid ng namayapang aktres na si Jaclyn Jose na si Veronica Jones.

Nakausap siya ng ilang reporters sa lamay ng kapatid sa Arlington Memorial Chapels.

Ayon kay Veronica, may nakita raw “green bones” sa mga labi ni Jaclyn at hindi raw ito karaniwang nakikita sa katawan ng isang tao.

“Oh Jane (tunay na pangalan ni Jaclyn Jose), may sinasabi silang green, green bones? Ano raw ang ibig sabihin, hindi lahat ng tao na na-cremate meron nu’n, very rare, nakita si Jane na meron, ang ibig sabihin daw nu’n eh, good heart,” pahayag ng former actress sa panayam ng ABS-CBN.

Inilarawan ni Veronica si Jane bilang, “Mapagmahal, matindi magmahal. Down to earth. Maawain. Napakabait na tao. Walang masamang tinapay.”

At pinatunayan naman ito ng maraming celebrities na pumunta sa burol. Totoo naman daw na napakabait at may mabuting puso ang aktres noong nabubuhay pa..

Sa isang online article, may sinasabi tungkol sa green bones, “Pagkatapos ng cremation at may nakitang green bones, may ginawa umanong kabutihan ang yumao nu’ng ito ay nabubuhay pa.

“Ayon sa paniniwala ng mga Chinese, bihira lang itong makita kaya kapag nakakita ng green bones sa cremation, dapat itong itabi ng pamilya dahil magsisilbi itong pampasuwerte.”

Gayunman, ayon naman sa isang paniniwala na naisulat din, “After careful analysis of these colourations in both crematorium and experimentally burned animal bones, the authors suggested that these colours could be due to the presence of different metal ions during cremation: copper for the pink colour, iron for the green and zinc for the yellow.”

AUTHOR PROFILE