USAID

USAID COO bumisita sa Batangas

March 20, 2024 Jojo C. Magsombol 87 views

BUMISITA nitong Martes si Chief Operating Officer (COO) and Deputy Administrator (DA) for Management and Resources ng United States Agency for International Development (USAID) na si Paloma Adams – Allen sa Batangas City.

Siya ang second highest official ng USAID.

Layunin ng naturang pagbisita na alamin ang kalagayan ng operasyon ng Inclusive Learning Resource Center (ILRC) sa Batangas City East Elementary School.

Taong 2019 nang magbigay ng suporta ang USAID upang higit na napalakas ang Gabay Project na naglalayong mabigyan ng access sa de-kalidad na edukasyon ang mga batang may kapansanan.

Ito ay sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd) at Resources for Blind, Inc. (RBI).

Ang DepEd ang tumutukoy sa mga kindergarten hanggang grade 3 students na may mga kapansanan sa paningin at pandinig upang mabigyan sila ng suporta sa literacy.

Pinondohan ng USAID ang ILRC particular ang mga kagamitan katulad ng braille embosser, iba pang device at learning materials na ginagamit ng mga guro.

Bahagi rin ng pagbisita ay ang interaction ni Allen sa mga deaf students.

AUTHOR PROFILE