Ruffa

US trip, b-day gift ni Ruffa kay Venice

October 15, 2023 Vinia Vivar 216 views

Bilang birtnday gift ni Ruffa Gutierrez sa bunsong anak na si Venice ay binigyan niya ito ng US trip. Umalis na nga ang dalaga at siyempre, sa kanyang Ate Lorin siya titira na kasalukuyang nag-aaral doon.

Masayang-masaya nga raw si Venice dahil hanggang Oct. 20 siya mananatili sa US at marami silang time para maka-bonding ang kanyang ate.

Dahil may bagong kotse si Lorin na binili niya mula sa sariling pera, masaya niyang inililibot si Venice at idina-drive around California.

Gustuhin mang sumama ni Ruffa ay hindi pwede dahil busy siya sa taping ng bago niyang serye sa ABS-CBN.

Pareho nang of age ang dalawang anak ni Ruffa (19 and 20) kaya naman pwede naman niya talagang hayaan nang mag-travel nang walang kasama.

AUTHOR PROFILE