
Underrated Pinoy actor Soliman Cruz gumagawa rin ng ingay sa international scene
KUNG si Dolly de Leon ang kauna-unahang Filipino actor na na-nominate as Best Supporting Actress sa Golden Globe Awards sa Amerika for her first international movie na “Triangle of Sadness,” isang black comedy movie mula sa panulat at direksyon ng Swedish filmmaker na si Ruben Ostlund, gumagawa rin ng sariling pangalan sa ibang bansa si Soliman Cruz na maituturing na underrated actor sa Pilipinas.
Sa kabila ng pagiging underrated actor nito sa Pilipinas, nagbida na ito sa isang critically-acclaimed international movie, ang “To the North” na sinulat at dinirek ng Romanian filmmaker na si Mihai Mincan where he played the role ng isang religious Filipino sailor. The movie was shot in Bucharest sa loob ng tatlong buwan with Bulgarian, Filipino and other Asian actors. Ang original title ng pelikula ay “Spre Nord”. Ito’y kuwento ng isang Filipino sailor at isang stowaway na na-discover on board while they were sailing for America.
Sol shares the lead title with Romanian actor Nikolai Becher but in the Philippines, he doesn’t mind playing supporting roles.
As early as Grade V ay aktibo na si Soliman Cruz or Sol to his friends sa Teatro. Noon pa man ay alam na niya ang gusto niyang gawin paglaki niya, ang pagiging actor sa entablado.
Ang pangarap niyang maging stage actor ay unti-uting naisakatuparan matapos siyang maging bahagi ng workshop sa ilalim ng kanyang mentor, ang Ateneo drama professor na si Onofre Pagsanhan along with other young high school students.
Si Sol ay nagtapos ng high school sa Philippine High School of the Arts na isa sa mga proyekto noon ng dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos.
Ang pamagat ng kanyang first stage play ay “Alibughang Anak” sa ilalim ng Dulaang Sining.
Nagtuluy-tuloy ang pagiging stage actor ni Sol hanggang matapos niya ang high school pero hindi na niya nakuhang tumuntong ng kolehiyo dahil mas pinaboran na niya ang kanyang pagiging stage actor, Nagtrabaho rin siya bilang propsman, assistant stage and stage manager at pagiging actor sa Bulwagang Gantimpala ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Doon umano niya nakilala ang iba’t ibang mga kilalang personalidad tulad nina Joel Lamangan, Ronnie Lazaro, Susan Africa, Ray Ventura, Jose Javier Reyes, Spanky Manikan, Joonie Gamboa, Pen Medina at iba pa.
There were times na nakukuha umano siyang bit player sa pelikula ng Regal Entertainment noon tulad ng “Boystown” nina William Martinez, Maricel Soriano, Gabby Conception at Snooky Serna at iba pa.
Ang pagiging isang mahusay na actor ni Sol ay lumitaw nang siya’y maging bahagi ng pelikulang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” (The Blossoming of Maximo Oliveros) where he played the role of Maxi’s father, Paco Oliveros which was entered sa first Cinemalaya Film Festival in 2005 na dinirek ni Auraeus Solito mula sa panulat ni Michiko Yamamoto at tinampukan din nina Nathan Lopez, Ping Medina, Bodjie Pascua, Neil Ryan Sese at marami pang iba. Ang nasabing pelikula ay umikot sa iba’t ibang international film festivals sa ibang bansa at nakatanggap ng iba’t ibang parangal .
Sol was chosen as Best Supporting Actor sa 1st Cinemalaya Film Festival. Dahil dito, he landed as Judy Ann Santos’ father in the Metro Manila Film Festival movie entry na “Kasal, Kasali, Kasalo” na pinagtambalan nila ng kanyang mister nito na si Ryan Agoncillo mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes.
Ayon kay Sol, ang pelikulang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” ang naging daan ng kanyang pag-crossover sa mainstream movies and television. Since then ay naging in-demand na siyang supporting actor hindi lamang sa pelikula kundi sa telebisyon.
His first short film ay ang “Kwentong Barbero” ni Jon Red nung 1991.
Ang pelikulang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” ay hindi lamang nag-ikot sa iba’t ibang international film festivals sa LBTQ film festivals abroad kundi ginawa rin itong musical eight years laler na ang titulo ay “Maxie The Musicale: Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” which was produced ng Bit by Bit Productions in cooperation with the Philippine Educational Theater Association (PETA).
Kung kelan sunud-sunod na ang magagandang proyektong dumarating sa buhay ni Sol ay natuto itong tumikim ng ipinagbabawal ng droga hanggang ito’y mauwi sa addiction. He was in and out of the rehabilitation facility (about six times) na naging isa sa mga rason kung bakit sila nagkahiwalay ng kanyang misis kung kanino siya may dalawang biological children (Tala and Pintig) and a step-daughter. They reconciled pero muli silang nagkahiwalay. Gayunman, nananatili umano siyang close sa kanyang mga anak habang civil naman umano sila sa isa’t isa ng kanyang dating misis.
Sa phase 3 ng kanyang rehab ay pinapayagan umano siyang magtrabaho bilang actor pero kinakailangan umano siyang mag-report regularly hanggang tuluyan siyang gumaling sa kanyang addiction sa drugs. Each time na siya’y nagre-report sa rehab ay sumasailalim siya ng drug test hanggang tuluyan na siyang mag-negative.
Bukod sa pelikula, naging bahagi si Sol sa iba’t ibang teleserye ng ABS-CBN at kasama na rito ang “Huwag Kang Mangamba,” “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Killer Bride” at iba pa. Naging bahagi rin siya ng hit primetime TV series na “Dirty Linen”. Nakagawa rin siya noon ng isang serye sa GMA, ang TV adaptation ng Korean TV drama series na “Stairway to Heaven” na tinampukan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Bahagi rin si Sol ng action-drama series ng Kapamilya network, ang “FPJ’s Ang Batang Quiapo” at madalas din siyang mag-guest noon sa drama anthology ng ABS-CBN, ang “Maalaala Mo Kaya”.
Ang kanyang eldest child na si Tala ay nagta-trabaho umano ngayon sa isang call center at mag-isa nang namumuhay on her own.
Ngayong August 31 ay paalis siya patungong Japan to shoot a movie kung saan isang Japanese actor ang pangunahing bida.
Bahagi rin si Sol sa first ever senior romantic comedy film na “Monday First Screening” kung saan ang mahuhusay na actors-directors na sina Gina Pareno at Ricky Davao ang mga pangunahing bituin. Ito ‘y pinamahalaan ni Benedict Mique under Net25 Films at palabas in 100 theaters simula ngayong August 30 released thru Regal Entertainment. Bukod kina Gina, Ricky at Soliman, kasama rin sa movie sina Ruby Ruiz, Ian Ignacio, Reign Parani at Allen Abrenica, younger brother ng magkapatid na Aljur at Vin Abrenica.
Whenever he’s not busy taping or shooting, si Sol ay nagtuturo ng theater workshop sa mga bata sa iba’t ibang community at kasama na rito ang Alitaptap community in Amadeo, Cavite; Lipa, Batangas maging sa Sta. Scolastica at San Beda.
Sa kabila ng pagiging tagumpay ng acting career ngayon ni Sol ay nanatili pa ring simple ang kanyang pamumuhay hanggang ngayon.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.