Khalil Mga larawan mula sa Instagram/@gabbi

Khalil, Gabbi mas gustong ‘nag-iisa’ kaysa nasa ‘maling tao’

August 25, 2023 People's Tonight 201 views

INAMIN ng magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos na mas gugustuhin nilang mapag-isa na lamang sa buhay kaysa mapunta sa maling tao.

Sa Instagram stories nitong Huwebes, Agosto 24, nagkaroon ng pa-Q&A at chika time ang aktres na si Gabbi Garcia para sa kanyang followers.

Kasama ni Gabbi ang nobyo at singer-actor na si Khalil Ramos sa mga oras na ‘yon kaya’t isinali rin ng aktres sa pagsagot ng mga tanong.

Isang follower ni Gabbi ang nagtanong ng, “What’s scarier: Being alone or settling for the wrong person?”

Agad naman itong sinagot ni Khalil at piniling mas nakakatakot daw para sa kanya na manatili kasama ang maling tao.

“Settling for the wrong person,” pahayag ng aktor.

“Agree,” sagot naman ni Gabbi.

“Because being alone can be liberating, you can be free. But settling for the wrong person, you’re trapped,” dagdag pa ni Khalil sa kanyang naging sagot.

Nagbigay paliwanag din si Gabbi sa kanilang naging sagot at sinabing, “Yeah, and I feel like, your partner says a lot about you, your future, di ba? Hirap kaya pag mali yung taong kasama mo.”

Hindi naman nagpahuli ang aktres at nagbitiw siya ng nakakakilig na linya para sa kasamang nobyo.

“Buti na lang nasa tamang tao ako,” banat ng aktres.

AUTHOR PROFILE