Gcash

UN Special Advocate Queen Maxima pinuri ang GCash sa pagtulong sa financial inclusion ng Pinas

June 10, 2024 People's Tonight 125 views

PINURI ni United Nations Special Advocate at Queen of Netherlands Her Majesty (H.M) Maxima ang GCash dahil sa mahalaga nitong gampanin sa pagpapaunlad ng financial inclusion ng Pilipinas.

Ito’y makaraang bumisita ang royalty sa bansa upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang United Nations Secretary-General’s Special Advocate for Inclusive Finance for Development (UNSGSA). Bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa Pilipinas, binisita ni H.M Maxima ang headquarters ng GCash.

Ibinahagi niya na 17% lamang ng populasyon ng Pilipinas ang gumagamit ng mobile financial services noong huli niyang bisita sa bansa noong 2015. Subalit sa kasalukuyan, sinabi niyang marami nang mga Pilipino ang may akses sa financial services sa tulong ng GCash.

Ayon sa GCash, 5 milyong users lamang ang gumagamit ng kanilang application noong 2015.

Subalit, nitong 2023 ay nakapagtala ang kompanya ng pagtaas na umabot sa mahigit 94 milyong indibidwal.

Idiniin din niya na malayo pa ang dapat tunguhin ng Pilipinas upang makamit ang tunay na inklusibong financial system.

Ayon kay Queen Maxima, mahalaga ang public-private partnerships sa pagbibigay ng kasiguraduhan na mabigyan ng akses at financial services ang lahat ng Pilipino na makatutulong sa kanilang financial health at resilience.

Samantala, malugod namang sinalubong nina GCash President at CEO Martha Sazon, GCash Chairman Ernest Cu, at iba pang personalidad ang royalty.

Sinabi ni Sazon na patuloy at nakatuon ang kanilang dedikasyon sa misyon nilang Finance for All. Idinagdag pa niya na malaki ang naitulong ng GCash sa pagpapalago at pagbibigay ng akses sa mga Pilipino sa mga mahahalagang financial services katulad ng savings, insurance, at lending.

“It’s been an honor to host Queen Maxima in our office, in her capacity as UN Secretary General’s Special Advocate for Inclusive Finance for Development. We have learned a lot with our conversation with Her Majesty and we commit to continue to champion financial inclusion in the Philippines,” sabi ni Sazon.

Ayon sa pinakahuling datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nakatutulong ang digital platforms sa pagbibigay ng akses sa mga financial services sa mga Pilipino. Noong 2019, 29% lamang ng mga Pilipino ang may bank accounts ngunit nitong 2022 ay tumaas ito ng 65%.

AUTHOR PROFILE