WPS

Ginagawa ng CCG sa WPS ‘nakakabagabag’

June 20, 2024 PS Jun M. Sarmiento 331 views

NAKAAALARMA at nakakabagabag.”

Ito ang nagkakaisang reaksyon ng mga senador sa nangyayaring eskalasyon ng tensyon sa West Philippine Sea kung saan ay kinondena rin ng mga ito ang violenteng reaksyon ng China Coast Guard.

Ayon kay Senate President Francis Chiz Escudero lubhang nakababahala ang nangyayaring sigalot na ito kung kaya’t nararapat lamang aniyang gawin ng tamang ahensiya ng gobyerno ang lahat ng remedyo para matugunan ang nasabing isyu.

“In the meantime, the DFA should go beyond the filing of diplomatic protests each time an incident occurs, and must explore every means to conduct a meaningful dialogue with their counterparts from Beijing with the end in view of avoiding further escalation, without giving up any of our rights and privileges in our claimed territory vis-a-vis theirs.”

“As our diplomats work to advance our interests, I urge our Armed Forces to explore alternative methods to deliver provisions to the Sierra Madre in Ayungin Shoal so that our troops are properly resupplied while minimizing the risks and achieving our desired objectives.” ani Escudero.

Para naman kay Sen. Joel Villanueva pinatunayan lamang ng China Coast Guard kung anong uri ang kanilang kalidad at kung anong gaano kaliit ang respeto nilang ibinibigay sa kapwa tao dahil sa ipinakitang pambu bully ng mga ito sa ating kasundaluhan sa WPS.

“China, sumosobra na! Sobrang kabastusan na po ang sunud-sunod na mga pambubully ng China sa ating mga kababayan sa sarili nating teritoryo. Hindi na rin po uubra ang paawa epek at pa-victim nila dahil kitang-kita naman po kung gaano sila walang respeto sa loob ng ating sariling teritoryo. Klaro naman po na ang Ayungin Shoal ay atin. Sa pagbisita po natin sa Pag-asa Island noong Mayo, nakita po natin ang mala-higanteng mga barko at mas advance na teknolohiyang ginagamit ng China Coast Guard na panakot sa ating Philippine Coast Guard (PCG). Nakakabahala rin po na bukod sa kanilang kagamitan ay mas nagiging agresibo na po sila sa pag-atake,” ani Villanueva.

Hiningi rin ni Villanueva ang pagkakaisa ng mga Pilipino upang ipagtanggol ang ating bandila sa gitna ng kinakaharap na paghamon at bigya suporta rin ang ating Armed Forces of the Philippines, Phil. Coast Guard, at maging ang mga sibilyan at mangingisda na nagpapakita ng tapang at pakikipaglaban sa ating karapatan sa WPS na hindi aniya nagdadalawang isip na tumayo para sa bansang Pilipinas.

“Napakahalaga po na magkaisa tayong mga Pilipino sa labang ito. Taos-puso po tayong nagpapasalamat sa ating mga kababayan lalo na po sa PCG, Armed Forces of the Philippines at maging sa mga mangingisda at mga sibilyan na buong tapang na nakikipagsapalaran sa West Philippine Sea araw-araw. Saludo po kami sa inyo. We also wish to commend and express our full support for the official submission to the United Nations regarding our entitlement to an extended continental shelf in the West Philippine Sea. This proactive step not only solidifies our historical claim over the Kalayaan Island Group, but also affirms our commitment to adhere to the rule of law at all times, rejecting any form of bullying, intimidation or false narratives.” ani Villanueva sabay panawagan na dapat magbuklod ang lahat ng Pilipino para sa karapatan natin sa WPS.

Para naman kay Senator Loren Legarda, napapanahon na upang magpakita tayo ng pagkakabuklod lalot ito ay para sa kapakanan ng bansa natin ngunit nanawagan din siya na gawin ang lahat ng pamamaraan upang ipadaan ito sa diplomasyang istilo na hindi mauuwi sa init ng ulo.

Ayon naman kay Senadora Nancy Binay dapat lamang kondenahin ang ganitong uri ng galaw lalot hindi aniya ito makatao.

“I strongly condemn the unnecessary, insensitive and irresponsible action made by the Chinese Coast Guard on June 17 by patently ramming our mission ship near Ayungin Shoal. Mahirap paniwalaan na ang supply ship pa ang may sala samantalang maraming ulat ng mga katulad na insidente ng pagbangga ng CCC sa ating mga bangka maging mga sasakyang-dagat ng mga foreign flagged vessels.” ani Binay.

Sinabi rin ni Binay na dapat lamang bigyan ng tamang respeto ng Tsina ang kanilang kapit bahay sa Asia dahil naging mabuting kaibigan naman aniya ang Pilipinas sa kanila sa mabahang panahon.

“We will continue to stand firm in our resolve to protect our people and our sovereignty. The safety and well-being of our citizens will always be paramount. If China indeed values our friendship, we want them to understand that we don’t hurt our friends. We are never the aggressor.” pagpupunto ng senadora mula sa Makati.

Hindi rin pinalagpas ni Senate President Pro Tempore Jose Jinggoy Estrada ang para sa kanya ay nakagagalit at sadyang nakapagpapa alab ng damdamin.

“I am deeply outraged and extremely troubled by these latest hostile actions by the China Coast Guard near Ayungin Shoal. This is an unacceptable act of aggression, a direct affront to our sovereignty, and a blatant violation of our rights under international law, particularly the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” ani Estrada.

” Yet the CCG demonstrated a complete disregard for these principles and has engaged in provocative actions to escalate tensions in our territorial waters further. I strongly demand that China cease these provocative actions immediately and respect our sovereign rights. Our government will take all necessary measures to protect our people and uphold our national interests. ” dagdag pa nito.

Hiningi rin ni Estrada ang pakikiisa ng international community na kondenahin ang ganitong uri ng aniya pang aabuso ng CCG na hindi dapat tanggapin at walang puwang sa makabagong mundo na sibilisado at may respeto.

” I urge the international community to come together in denouncing this imprudent behavior and to lend their support to our plea for justice and accountability. “ani Estrada.