Janice

Tweet ni Janice sa divorce at pagtataksil lumikha ng matinding diskusyon

June 23, 2024 Vinia Vivar 42 views

Lumikha ng seryosong diskusyon sa X (dating Twitter) ang matapang na tweet ni Janice de Belen tungkol sa divorce at infidelity.

Isa ang aktres sa mga pabor na magkaroon tayo ng divorce sa Pilipinas for the obvious reason na naranasan na rin niyang ikasal at mahiwalay sa asawa.

Pahayag ni Janice sa kanyang tweet ngayong araw, “Kung ayaw nila ng divorce, let’s criminalize infidelity.”

Sa comment section ay kanya-kanya ng opinyon ang netizens at karamihan ay umayon sa aktres.

Narito ang ilan sa nabasa naming reaksyon:

“Matagal na pong criminal offense ang infidelity.”

“Meron na po diba? Nalaman ko ito kakanood ko dati ng Tulfo eh. pero true pwede mo pakulong ang nag taksil na asawa (note asawa not pwede yung jowa lang).”

“Double standards kasi ang pinas. Hayst. Dapat pa makuhanan mo ng nakapatong or magkapatong bago mo pwede ipakulong. Hayst.”

“Agree.”

“Yes to this.”

“Meron na po — adultery and concubinage under the Revised Penal Code”

“The elements of the existing crime on concubinage is so difficult to prove and goes beyond mere infidelity.”

“Louder.”

“As a guy, this had me researching deep into the paramaters of our laws and it’s unfortunate and appalling how the gender biases are quite evident and how our laws are disproportionately punitive toward women.”

“Lol sa mga nagsasabing meron na. Meron naman na nga talaga pero mababaw. Sa concubinage pa lang, eh, need muna ibahay or as if living as husband and wife para lang maconsider as a criminal offense. Pero pag adultery? enough na may paramour ang married woman.”

“Korek! Criminalize kasama dapat yung kabit sa kulungan. and change the qualifications ng pwede makasuhan. P*kingshet. Ang tatapang ng mga kabit e.”

AUTHOR PROFILE