TVJ

TVJ umaasang patuloy ang suporta ngayong nasa TV5 na sila

June 21, 2023 Aster Amoyo 439 views

NANG dahil sa pagre-resign ng iconic triumvirate ng TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon) at ng Dabarkads na kinabibilangan nina Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo at Ryzza Mae Dizon sa bagong pamunuan ng TAPE, Inc. na siyang producer ng top-rating and longest-running noontime show not only in the Philippine but in the world, ang “Eat Bulaga,” nagulantang ang publiko at buong TV industry sa Pilipinas.

Hindi na hinintay pa nina TVJ at ng Dabarkads na sila’y magdiwang ng kanilang 44th anniversary sa darating na July 30 dahil hindi na umano healthy ang environment at sa kanilang pamamalagi sa dati nilang tahanan kaya ito’y nauwi sa kanilang hindi inaasahang pagtiwalag sa kumpanya nung nakaraang May 31, 2023.

Walang sinayang na oras at pagkakataon ang TVJ sa pangunguna mismo ng dating Senate President at isa sa bumubuo ng iconic group na si Tito Sotto.

Ayon sa dating senador, iisa lamang umano ang kanilang kausap nang magsimula sila sa “Eat Bulaga,” ang dating president-CEO na si Tony Tuviera who owns 25% of TAPE, Inc. pero siya’y tinanggal sa kanyang puwesto at pinalitan ng isa sa mga anak ng businessman at dating kongresista na si Jon-Jon Jalosjos at pumasok na rin sa kumpanya ang dalawa pa niyang mga kapatid na sina Bullet at isa pang kapatid na may hawak ngayon ng key positions sa TAPE, Inc. na magkakatulong na itinatag nung 1981 (two years matapos magsimula sa ere ang “Eat Bulaga”) nina Romeo `Romy’ Jalosjos, Sr., Antonio `Tony’ Tuviera kasama ang TVJ only for the latter to find out na ni isang katiting na share ay hindi wala sila. They don’t even have a contract with TAPE, Inc. under Mr. T (Tony Tuviera).

“It was trust and a simple handshake lamang sa aming pagitan,” pahayag ni Tito Sen (Sotto) Sa loob ng isang taon ng “Eat Bulaga” ay hindi tumanggap ng suweldo ang TVJ bilang tulong sa TAPE, Inc. dahil hindi pa gaanong kumikita noon ang programa at wala pang gaanong advertising support. But they were promised na magkakaroon sila ng share sa kumpanya, pangakong kanilang inasahang matutupad pagkaraan ng halos 44 na taon nilang pamamalagi sa “Eat Bulaga”.

With the take-over ng bagong pamunuan ng TAPE, Inc., marami ang nabago at gustong baguhin at kasama na rito ang pagtanggal ng ilan sa mga mainstay hosts at pagbawas ng kanilang mga suweldo, ganoon din ang maituturing na ring iconic segments ng programa including “Bawal Judgmental”.

Since helpless na rin ang dating president-CEO na si Mr. T sa bagong direksyon ng new management, wala siyang nagawa para ma-protektahan ang interest ng TVJ, ang Dabarkads at ang bumubuo ng production.

In less than two weeks, agad nakahanap ang TVJ, ang Dabarkads at ang production people from “Eat Bulaga” na sumama sa kanila ng kanilang bagong tahanan, ang TV5 o Kapatid Network.

Last Tuesday, June 20 ng hapon ay humarap sa isang media conference ang TVJ at ang Dabarkads kasama ang top executives ng MediaQuest Holdings, Inc. TV5, Cignal at iba pang affiliates na pinangungunahan mismo ng Chairman- CEO na si Manny Pangilinan to announce to everyone na tuloy na ang kanilang alyansa with TVJ Productions, Inc. with Tito Sotto as Chairman.

“They are no longer talents here but they’re part owners of the show and other contents that they will be producing for TV5,” pahayag ni G. MVP.

Hindi naman naiwasan nina Vic Sotto at Joey de Leon maging ang mga Dabarkads na maging emotional sa naging warm welcome sa kanila ng kanilang bagong tahanan at sa mga pahayag ni G. Pangilinan.

Kung tila naitsapwera sila sa dati nilang tahanan sa TAPE, Inc., kakaibang pagtanggap naman ang kanilang tinanggap sa Kapatid network. They were warmly welcomed by TV5 president Guido Zaballero and Cignal TV president-CEO Jane Basas kasama ang top executives ng magkakaibang kumpanya.

During the press conference, ipinagdiinan pa rin ng TVJ na sila ang may karapatang gamitin ang “Eat Bulaga!” which was coined by Joey de Leon habang ang theme song ng programa ay si Vic Sotto naman ang nag-compose.

That afternoon ay hindi napilit ang tatlo maging ng mga executives na naroon na i-reveal ang titulo ng kanilang noontime program na magsisimulang mapanood sa TV5 at iba’t ibang digital platforms ng TV network pero ito’y malalaman ng publiko simula sa darating na July 1, 2023, araw ng Sabado simula alas-11:30 ng umaga hanggang 2:30 p.m.

Since majority ng mga production staff ng dating “Eat Bulaga” ay kasama ng TVJ at ng Dabarkdas including Director Poochie Rivera sa kanilang paglipat sa TV5, buong-buo pa rin halos ang dating pamilya ng “Eat Bulaga” except for a few who decided to stay.

Dahil sa kanilang naging experience with TAPE, Inc., TVJ decided to put up their own production company, ang TVJ Productions, Inc. na magiging content provider hindi lamang ng TV5 kundi maging ng Cignal TV. Mas nagkaroon ng elbow ang tatlo na makapag-create pa ng iba pang mga programa liban sa kanilang bagong noontime show.

Ang TV5 ang ikaapat na TV network at tahanan ng TVJ na kanilang sinimulan sa RPN9 nung July 30, 1979 at naging tahanan ng “Eat Bulaga” for 9 long years.

Ito’y sinunan ng ABS-CBN sa loob ng anim na taon at mahigit 28 years naman sa bakuran ng GMA until their departure from TAPE, Inc. nung May 31, 2023. Ang TAPE, Inc. ay blocktimer ng GMA.

Samantala, sa pagpasok ng bagong noontime program ng TVJ and the Dabarkads sa bakuran ng TV5 ay tila na-displace ang “It’s Showtime” ng ABS-CBN na blocktimer din sa Kapatid network at ang kontrata ay magtatapos ngayong June 30, 2023

ShowtimeIsang araw bago ang official announcement ng bagong noontime program ng TVJ at ng Dabarkads sa TV5 ay naglabas ng official statement ang ABS-CBN na may kinalaman sa kanilang sariling noontime show, ang “It’s Showtime” na mapapanood na sa GTV, sister network ng GMA simula sa July 1, 2023.

“ABS-CBN would like to extend its heartfelt appreciation to TV5 Chairman Manny Pangilinan for his support for ABS-CBN and for bringing “It’s Showtime” to a wider audience through our content partnership.

With the new programming movements in TV5, we are sad to announce that “It’s Showtime” will no longer be seen on TV5 beginning July 1, 2023.

For 14 years, “It’s Showtime” has brought joy and entertainment to our Madlang People here and abroad. We value the meaningful relationship we have built and nurtured with our audience in the noontime slot. It is for this reason that we have respectfully declined the 4:30 p.m. timeslot offered by TV5 for the show.

We assure the viewers of”It’s Showtime” that they can continue to watch their favorite noontime show on A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC, and TFC from Monday to Saturday at 12:00 noon.

We are also very grateful to GMA’s GTV Channel and happy to announce that “It’s Showtime” has found another home.

Starting 1 July 2023, “It’s Showtime” will also be aired on GTV from Monday to Saturday at 12:00 noon. G na G na tayo, Madlang People.

We are thankful to the loyal support our audiences have provided for “It’s Showtime” and hope they continue to find joy and entertainment on the show as it seeks to find moe ways to reach them.”

Meet artist Lander Blanza

LanderSA pamamagaitan ng ating kaibigan at kasamahan sa panulat na si Robert Silverio ay nakilala namin nang personal ang kilalang painter, sculptor, singer, musician, book author at top apparel designer for decades na si Lander Blanza at ang kanyang wife of five years na isa ring visual artist na si Lorna over lunch at Shakey’s Pizza in Tomas Morato, Quezon City. Nabigyan kami ng isang kopya ng kanyang collector’s item hard-bound book na pinamagatang “Philippine Modernism” (his second released book) na nagkakahalaga ng P8,000 pesos each.

But the book is not sold commercially sa mga kilalang bookstores kundi direkta mismo sa kanya. Complimentary copies are given for free sa mga schools na nagtuturo ng Fine Arts, Graphic Designs, Interior Designs, Architecture and Arts & Humanities to serve as reference book sa kanilang mga students.

Eversince he was a kid ay mahilig nang mag-drawing si Lander na ang passion ay kanyang dala-dala hanggang sa kanyang paglaki. But he was also into music bilang singer at musician. While in college, naging bahagi siya ng isang band, ang The New Dawn kung saan niya dati nakasama ang veteran folk singer- songwriter na si Noel Cabangon na kilala sa kanyang mga socially relevant songs.

Hindi natapos ni Lander ang kanyang pag-aaral ng Fine Arts sa University of the East at umabot lamang siya hanggang 2nd year high college. He would mix his time sa pagpipinta, pagdi-design at music. Bukod sa pagkanta, he is also a musician and knows how to play lead and base guitar at keyboards.

Bilang singer-musician, nakatanggap siya ng singing contract in Hong Kong for six months at habang siya’y nasa Hong Kong, may nakita siyang nangangailangan ng designers for apparels at siya’y nag-apply at natanggap.

He was first assigned in China for three years then Cambodia for six months at nang siya’y bumalik ng Pilipinas ay nag-focus na siya sa kanyang pagpipinta at pagiging apparel designer ng mga kilalang local brands numbering to about 30 or more at kabilang na rito ang Grizzly Jeans, Jag Jeans, Boogie Jeans, Modern Basic, Krimson, Molecules, Bizaare t-shirts at iba pa. He also worked as copywriter and art director for two advertising agencies, ang Great Power Adversiting and Well Adversiing Index at ito’y umabot ng tatlong taon.

Ang apat na libro na kanyang sinulat ay ang “Alphabet of Filipino Contemporary Artists,” “Philippine Modernism,” at ang “Art Association of the Philippines, Vols 1 & 2”.

It takes one week for Lander to finish a painting at ang pinakamahirap niyang gawin ay umaabot ng buwan.

Samantala, inamin sa amin ng mag-asawang Lander at Lorna na sila’y nagkakilala on Facebook. Lorna was formerly in a long relationship (15 years) with her ex-partner with whom she has three grown up children habang si Lander ay biyudo sa kanyang unang wife of 15 years kung kanino naman siya may apat na anak na malalaki na rin at may sarili nang mga pamilya.

Although he was in a previous relationship with other women, nauuwi umano ito agad sa hiwalayan dahil hindi umano masakyan ang kanyang moodswings bilang isang artist.

Si Lorna ay isa ring artist who is 17 years his junior.

Nagpaalam umano sila sa kanilang respective children para sa kanilang relasyon, lived together for over three years until they decided to get married sa pamamagitan ng isang civil rites sa Las Pinas City Hall nung September 9, 2022.

“I was not married sa dati kong partner kaya walang naging problema at biyudo naman si Lander,” pahayag ni Lorna.

“Hindi rin kami nagkaroon ng problema sa aming mga anak,” patuloy niya.

“Marami kaming common interests,” pakli naman ni Lander who at 64 ay matikas pa rin ang pangangatawan.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE