Dabarkads

TVJ panalo sa unang round, ‘It’s Showtime’ pumangalawa

July 3, 2023 Aster Amoyo 526 views

ShowtrimeBulagaTATLONG noontime shows ang naglaban-laban sa ere last Saturday, July 1, ang “E.A.T” ng TVJ & the Dabarkards on TV5 “It’s Showtime” on GTV at ang bagong “Eat Bulaga” sa GMA.

Sa closing time ng bagong noontime program ng TVJ & the Dabarkdas sa TV5, ni-reveal ang bagong titulo ng programa, “E.A.T” pero hindi pa nila ibinabahagi ang kahulugan o subtitle nito.

Ang “E.A.T.” ay malapit pa rin sa titulong “Eat Bulaga” na siyang original title ng kanilang dating noontime show na produced ng Television and Productions Exponents, Inc. (TAPE, Inc.) na magsi-celebrate dapat ng kanilang ika-44th anniversary ngayong July 30.

As far as we know, my legal issues pa rin ang titulong “Eat Bulaga” sa pagitan ng TAPE, Inc. at ng TVJ lalupa’t si Joey de Leon mismo ang nag-coin ng titulo habang ito’y nasa kitchen ni Tito Sen (Tito Sotto) sa kanilang dating bahay sa White Plains at si Vic Sotto naman ang nag-compose ng theme song ng “Eat bulaga”.

Marami ang puwedeng ipakahulugan sa “E.A.T” tulad ng Eto ang Totoo, Eto ang Tunay, Eto ang Tadhana, Eto ang Tawanan, Eto ang Tama, Eto ang Tutukan at iba pa. But for now, ang “E.A.T” muna ang gamit nilang titulo hanggang makuha nilang muli ang kanilang tiulong “Eat Bulaga” na siya pa ring gamit ng newly revamped noontime show ng TAPE, Inc.

Samantala, sa tatlong noontime show na nagtapatan last Saturday, mukhang mas tinutukan ng mga manonood ang “E.A.T” nina Tito, Vice & Joey and the Dabarkads na sinundan ng “It’s Showtime” at far number 3 naman ang “Eat Bulaga”.

Hindi naman naiwasan ng TVJ at ng Dabarkads ang maging emotional dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga manonood sa kanilang bagong tahanan, ang TV5.

Bukod sa respective families ng TVJ na nasa audience, ang megastar na si Sharon Cuneta ang naging special guest performer ng “E.A.T.”. Mainit naman ang naging suporta na ibinigay ng Kapuso Network sa unang araw ng “It’s Showtime” sa GTV. Bukod sa ilang Kapamilya stars, naroon ang ilang Kapuso stars and talents tulad nina Sanya Lopez, Barbie Forteza, Pokwang, Christian Bautista, Mark Bautista, ang magkapatid na Rayver Cruz at Rodjun Cruz at iba pa.

Nag-celebrate naman ang newly-revamped na “Eat Bulaga” ng kanilang unang monthsary sa programa.

Samantala, kapansin-pansin na suportado ng mga advertiser ang bagong programa ng TVJ & the Dabarkads, ang “E.A.T”.

Ngayon, mapapanood na ang mga dati at bagong segments na ginawa nila sa dating “Eat Bulaga” tulad ng “Bawal Judgmental” at “Pinoy Henyo” at magi-introduce din sila ng mga bagong segments.

Festive ang mode ng mga manonood last Saturday dahil sa tatlong noontime programs na naglaban-laban sa ere kung saan ang “E.A.T.” ang unang panalo sa unang round.

Dara magpi-perform sa Pilipinas kasama ang iba pang K-pop artists

KpopKpop2Kpop3TIYAK na magbubunyi ang mga Pinoy K-Pop fans sa Pilipinas dahil apat na K-Pop stars ang kanilang mapapanood in one show (or concert) sa darating na August 11 (Friday) at 7 p.m. at the SM Mall of Asia sa “The Super Stage by K-Pop” kung saan tampok na mga performers ang Mamamoo+, Kep1ter, Lapillus at si Sandara Park na unang sumikat sa Pilipinas bago ito naging star sa South Korea. Ito’y produced ng OctoArts Entertainment ng pinamumunuan ng CEO-president na si Orly Ilacad.

Tickets are priced at P11,800 for VIP Standing, P10,500 for VIP Seats, P9,000 for Lower Box, P7,000 for Upper Box A, P5,500 for Upper Box Upper B habang ang general admission ay mabibili at P3,250.

Ang 39-year old na si Sandara (Dara in South Korea) ay sumikat nang husto sa Pilipinas matapos itong sumali sa Star Circle Ques in 2004. She placed second to the grand winner na si Hero Angeles who soon became her ka-loveteam sa bakuran ng ABS-CBN.

Nakagawa siya ng ilang movies and teleserye sa Pilipinas opposite Hero and her ex-boyfriend na si Joseph Bitangcol and recorded her debut 6-track album na “Sandara” kung saan hango ang kanyang hit novelty dance song na “In and Out” which hit the platinum status and certified by the Philippine Association of the Record Industry.

In 2004, ginawa nila ni Hero ang pelkulang “Bcuz of You” na siyang nagpapanalo sa kanya ng Best New Actress mula sa 21st PMPC Star Awards for Movies. Ito’y nasundan ng “Can This Be Love” nung 2005 na kumita sa takilya ng P100-M plus. She also did “D’Lucky Ones” with Joseph Bitangcol. Kasama rin siya sa 2006 Metro Manila Film Festival movie na “Super Noypi” at naging bahagi rin siya ng pelikulang “My Ex and Whys” ng dating magka-loveteam at magkasintahang sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Just when Dara was enjoying her popularity in the Philippines ay nag-quit naman siya sa kanyang showbiz career in the Philippines to start a new career in South Korean in 2007. Two years later in 2009, she made her debut in South Korea bilang member ng all girls K-Pop group na 2NE1 making it one of the most popular K-Pop girl groups in South Korea until ma-disband ito nung 2016. Dito na nag-desisyon si Sandara na balikan ang kanyang pagiging solo artist.

What endears Dara sa kanyang Filipino fans ay ang pagmamahal nito sa kanyang fans in the Philippines maging ang magagandang sceneries at kultura ng Pilipinas. She also maintained her closeness sa kanyang mga Filipino friends including Kapamilya actor Joross Gamboa.

Dara hopes to see her Filipino friends sa kanyang August 11 concert sa MOA Arena with other K-Pop artists.

Unknown to many, it was Pauleen Luna who encouraged Dara to join Star Circle Quest in 2004 na siya niyang naging daan ng kanyang pagpasok sa showbiz.

Farrel triplets nagdaos ng birthday

FarrelFarrel1JAPAN-based actress Ramona Revilla who is Mohsyl Ensafian in real life, a Filipina-Persian is happily married sa kanyang naval engineer American husband na si Frederick Farrell with whom she has triplet daughters na sina Fersiana, Frederie and Freohsyl Farrell or popularly known as Farrell Triplets.

Last Saturday evening, July 1 ay nag-celebrate ang tatlo ng kanilang 10th birthday na ginanap sa Golden Ballroom ng Okada Hotel. Some of the triplets’ American family friends in the US Naval Base in Japan came over just to attend the party.

Other close showbiz friends ni Ramona tulad nina Assunta de Rossi and daughter Fiori, couple Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza, Marissa Sanchez, Aileen Papin, Lance Raymundo among others attended the well-produced event. Pero ang big surprise sa lahat ng dumalo ay nang mag-perform individually and as a family ang Farrell Triplets with their parents na sina Fred at Ramona.

Ang singing and dancing talents ng triplets ay obviously minana nila sa kanilang ina who at one point ay naging kilalang personalidad sa showbiz bago ito nag-asawa at mag-focus kanyang pagiging housewife ni Engr. Frederick Farrell.

Ramona is very hands on pagdating sa kanyang pagiging wife ni Fred at mom ng triplets.

Ramona met her American husband in San Diego, California USA through the actress’ uncle. After that first meeting, Fred pursued Ramona until they got married in 2010 in Las Vegas, Nevada, USA na sinundan ng kanilang wedding in the Philippines.

For sometime ay nanirahan sila sa San Diego until Fred was assigned in an American Naval Base in Japan na may limang taon na ngayon.

Since malapit lamang ang Japan sa Pilipinas, they make it a point to visit Manila at lease twice to thrice a year since may bahay din sila in B.F. Homes, Paranaque which they had renovated recently.

Kahit sampung taong gulang pa lamang ang triplets, may leaning ang mga bata na pumasok sa showbiz balang araw but first, they have to hone their Tagalog language.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE