Tumulong sa gov’t imbes na manisi
Rep. Zamora kay VP Sara:
HINIMOK ni House Assistant Majority Leader at Taguig 2nd District Rep. Pammy Zamora si Vice President Sara Duterte na tumulong sa gobyerno sa halip na ang pag-aksayahan ng panahon ay manisi na hindi naman makapagpapabuti sa programa at proyekto ng gobyerno.
“Vice President Sara Duterte’s criticism on issues that range from flood control projects to her reduced security is more polarizing than productive,” ani Zamora.
Iginiit pa ng kinatawan ng Taguig na sa usapin ng flood control ay hindi maitatanggi na anim na taong namuno ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Binanggit rin ni Zamora ang puna ng Bise Presidente sa pagbabawas ng kanyang security escorts, gayung sinabi ng Philippine National Police (PNP) na nanatili pa rin sa 390 security personnel ang nangangalaga sa kaniyang kaligtasan.
“On flood control, let’s not forget that the Dutertes were in full control for six years. How can they be sidelined for crucial infra projects? On the matter of her security entourage, the PNP Chief has said she still retains almost 390 security personnel. I doubt anyone would still find that inadequate,” aniya.
Tiniyak din ni Zamora ang pakikipagtulungan ng Kamara sa lahat ng opisyal ng pamahalaan na may makabuluhang kontribusyon sa mga layunin at proyekto para sa ikabubuti ng bansa.
“All of us in the House are ready to work hand in hand with all officials whose input are productive to the national agenda. Just like what Senate President Escudero said, I also encourage the Vice President to constructively use her position, resources and resources,” dagdag pa ni Zamora.