Chinese HULI–Ang naarestong Chinese national ng mga operatiba ng Malate police station 9 dahil sa kasong acts of lasciviousness. Kuha ni Jon Jon Reyes

Tsino timbog sa act of lasciviousness

September 30, 2023 Jonjon Reyes 349 views

ISANG 26 anyos na Chinese national ang inaresto sa loob mismo ng selda ng Manila Police District-Malate Police Station 9, dahil sa act of lasciviousness Biyernes ng gabi sa Mabini St., Malate, Manila

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Melvin Manalang Florida Jr., station commander, ang suspek na nanunuluyan sa Admiral Baysuit , Malate Manila.

Base sa ulat ni Police Captain Jose Ric Morelos, hepe ng Warrant and Intel Section, bandang 6:10 ng gabi nang isilbi ng kanyang mga tauhan ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Maria Concepcion Billones, ng Metropolitan Trial Court Branch 62 ng Makati City.

AUTHOR PROFILE