rape suspek Ang isa sa mga rape suspek na inaresto ng mga otoridad.

Tseker, mangingisda laglag sa ‘rape’ sa Batangas

June 24, 2023 Jojo C. Magsombol 408 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Dalawang wanted na lalake sa kasong “rape” ang naaresto ng mga kapulisan sa magkahiwalay na operasyon sa probinsya ng Batangas, Hunyo 20, 2023.

Ayon kay provincial police PIO (Public Information Office) chief Police Lieutenant Pauline P. Fernando, ang mga nakalawit na suspek ay isang “tseker” sa isang hardware at mangingisda nitong Martes.

Sa pamumuno ni Batangas Police Provincial Office (PPO) director Police Colonel Rainerio M. De Chavez at sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Regional Office (Police Regional Office) Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) director PBGen. Carlito M. Gaces, unang nasukol ang isang 33-anyos na tseker, residente ng Lobo, Batangas bandang alas-10 ng gabi ng mga tauhan ng Lobo Municipal Police Station (MPS).

Inaresto ang unang suspek sa bisa ng arrest warrant mula sa Regional Trial Court (RTC) Branch 87 ng Rosario Batangas na may petsang Abril 30, 2007 matapos umano maghabla ang menor de edad na biktima nito noong Hunyo 24, 2005 sa nasabing bayan.

Hindi na rin pumalag ang mangingisdang suspek sa bayan ng Balayan matapos madakip ng pinagsanib na puwersa ng Balayan MPS (lead unit), 4th MP 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company (BPMFC), Provincial Intelligence Team (PIT), Batangas Regional Intelligence Unit (RIU) 4A, at Provincial Intelligence Unit (PIU) Batangas, alas-8:59 ng gabi sa kaparehas na araw sa Balayan, Batangas sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ng RTC Br. 9 ng Balayan, Batangas na may petsang Enero 24, 2023.

Taong 2009 nangyari ang krimen sa bahay ng suspek na ang biktima ay isang menor de edad.

Walang inirekomendang piyansa laban sa dalawang inarestong “most wanted” na nasa kustodiya na ng mga otoridad.

“Natutuwa ako sa kasipagan ng ating mga tauhan sa ibaba. We will never cease apprehending all wanted persons who still hide, we will not stop until they face the rule of law,” pahayag ni De Chavez.

AUTHOR PROFILE