Tan

Truck importers sa Freeport, binalaan ng SBMA Chairman

October 27, 2023 Edd Reyes 156 views

BINALAAN ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Jonathan D. Tan ang lahat ng mga negosyanteng gumagamit ng pantalan na nagpaparating ng mga truck na mahalagang sumunod sila sa umiiral na panuntunan kung ayaw nilang mapalayas sa pagnenegosyo sa loob ng Freeport.

Sa ipinatawag na pulong ni Chairman Tan sa may tinatayamg 100 stakeholders, kaniyang sinabi na ang ahensiya ay maghihigpit at susugpuin ang mga gawaing iligal na umano’y talamak sa Freeport.

Isa sa madalas na gawin ng ilang tiwaling negosyante ay ang under declaration sa timbang ng mga pinararating na truck upang makabawas ng bayarin sa taripa at buwis.

Bukod dito ay bistado rin ang mga gawain ng ilan na nireretoke at binabago ang year model ng truck at pinaiikli ang proseso upang maiwasan ang mahigpit na panuntunan sa pantalan sa pamamagitan ng umanoy panunuhol.

“This is a fair warning to everyone. The President told me to give you a chance, he told me to save the truck industry. The processing of imported trucks should be done as stated by law’ pagdidiin ni Chairman Tan.

“Most truckers here use bribes to speed up the processing of their papers. We will stop this illegal activity and will abide by process on the releasing of trucks” dagdag pa ni Chairman.

Inihayag pa ni Chairman Tan na naka-proseso na ang SBMA sa pagbili ng weighing scale na maaring magamit na sa November 15 ngayong taon upang mabigyan ng sapat na kagamitan ang ahensiya at mas matiyak na tama ang totoong timbang ng mga imported na sasakyan, at para na rin matiyak na mapipigilan ang mga iligal na gawain at katiwalian sa port area.

“You have until November 15 to straighten your businesses or we will revoke your permit.This order is coming from the President and I will coordinate with BOC Commissioner Bienvenido Rubio to ensure that you are all following the protocols “ pagdidiin ni Chairman.

Ibinigay din ng SBMA chief ang kanyang personal na numero ng telepono sa mga truckers upang direktang makapagsumbong sa kanya kung may gumagamit ng kanyang pangalan para lamang manghingi ng salapi bilang suhol.

“Ngayon bago na, kung hindi niyo magagawa ng tama yan, I will have to revoke your permit” pagtatapos ni Chairman.

AUTHOR PROFILE