Translator Naghihimas na ngayon ng rehas ang suspek sa illegal recruitment sa MPD DSOU matapos maaresto sa Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Translator swak sa selda dahil sa illegal recruitment

August 10, 2023 Jonjon Reyes 742 views

SWAK sa selda ng District Special Operation Unit ng Manila Police District ang isang 40-anyos na babae dahil sa illegal recruitment sa Ma.Orosa St., Barangay 670 Ermita, Manila Huwebes ng umaga.

Nakilala lang sa alyas na ‘Leni’ ang suspek, na napag-alamang free lance translator.

Ayon kay Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng DSOU, bandang 11:00 ng umaga, nang maispatan ang akusado sa nasabing lugar. Inaresto siya sa pangunguna ni Police Lieutenant Celso Sorita.

Naaresto siya sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Emma Ines Parajas, ng first Judicial Region Branch 52 ng Tayug, Pangasinan.

Nanawagan si Maj. Purisima sa mga nabiktima ng suspek na dumulog sa kanilang himpilan para magsampa ng reklamo.

AUTHOR PROFILE