Revirginized

Trailer ng ‘Revirginized,’ naka-5 million views na

July 6, 2021 Ian F. Fariñas 1070 views

HATAW sa views ang pelikulang Revirginized ni Sharon Cuneta dahil sa loob lamang ng 24 oras, naka-5 million views na ang pinag-usapang trailer nito online.

Marami nga ang nagulantang ang napaka-daring portrayal ng Megastar sa bagong obra ni Direk Darryl Yap, kung saan may eksena pa siyang body shots kasama ang batang leading man na si Marco Gumabao.

Maging ang ilang mapangahas na dialogue ni Sharon, ikinabaliw ng netizens!

Puro congratulatory message naman ang mababasa sa Instagram posts ni Mega about Revirginized.

Obviously, overwhelmed sina Sharon at Marco sa response ng publiko sa kanilang unang pagtatambal kaya naman nasabi ng aktres na “Parang dinidinig prayers natin!!!” sa komento ng aktor sa kanyang IG post na tatlong heart emojis.

Ang ilan pang celebrity-friends na nag-comment sa “5 million views” post ni Sharon ay sina Pops Fernandez, Alex Gonzaga, Angel Locsin at marami pang iba.

Eksklusibong mapapanood ang Revirginized sa Vivamax simula August 6.

Speaking of Vivamax, naungusan na ng Gluta ni Ella Cruz sa pagiging top pick of the pick ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam nina Kim Molina at Jerald Napoles, na pumangalawa naman.

Nasa ikatlong pwesto ang Kaka ni Sunshine Guimary, kasunod ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, Nightshift, Unfaithful Wife 2, Death of a Girlfriend, Pakboys Takusa, Warat at Sana All.

AUTHOR PROFILE