Viu

Top-rating Hong Kong youth horror series, mapapanood sa Viu

December 15, 2023 Ian F. Fariñas 105 views

Ang top-rating horror series na Left On Read mula sa Hong Kong ay mapapanood na sa Viu Philippines.

Unli-horror ang dating dahil ang kumpletong 15 episodes ay uploaded na sa Viu.

Ang kuwento ay tungkol sa mga estudyanteng isinali ng admin sa chat group na “Read It or Die.” Pipilitin ng admin ang mga bata na lumahok sa isang laro at kung hindi susundin ang utos ay kamatayan ang parusa.

Magpa-panic ang mga estudyante dahil isa-isang namamatay ang kanilang mga kaklase.

Para masalba ang kanyang mga kaibigan, iyon pang pinakamahiyain ang maglalakas loob na matukoy ang katauhan ng admin.

Ang pamagat ay mula sa expression na naglalarawan sa sitwasyon kung saan ang isang text message ay nabasa pero dinedma ng tumanggap.

Nang maipalabas sa Hong Kong ang Left On Read, naging paborito ito ng horror lovers sa naturang bansa dahil sa magaling na cast at pagkakakuwento.

Kabilang sa cast sina Marf Yau at Yoyo Kot ng Hong Kong girl group na Collar; ang co-stars nila ay mga young star mula sa HK music survival variety show na Kingmaker.

Maaari ring mag-binge sa iba pang horror series na available sa Viu tulad ng Duty After School, Zombie Detective, The House On Autumn Hill, Happiness, Tell Me What You Saw at Shadow.

AUTHOR PROFILE