
Toni, nanganak na!
Nanganak na si Toni Gonzaga sa second baby nila ni Paul Soriano ngayong August 11.
Inanunsyo ito mismo ng direktor at Presidential Adviser for Creative Communications sa Instagram.
Nag-post ng larawan si Direk Paul ni Toni na hawak-hawak ang kanilang new-born baby girl na pinangalanan nilang Paulina Celestine.
“Mommy @celestinegonzaga with Paulina Celestine,” caption ni Direk.
Ayon pa sa kanya, the mom and the baby are both doing great. Nagbigay din siya ng ilang detalye sa baby.
“Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived! Born 2:05pm on August 11, 2023 at 6.8 lbs. Tin and Paulina are both doing great. Thank you for all your prayers and support,” pahayag ni Direk Paul.