Victims Sinisiyasat ni Det.Sir Christian Joseph Pineda ng Homicide Section ang pinangyarihan ng krimen at ang wala ng buhay na biktima na binigti umano ng tatlong magkakapatid na lalaki sa Tondo, Manila. Kuha ni JON-JON C. REYES

TOMBOY BINIGTI NG 3 LALAKI!

March 11, 2023 Jonjon Reyes 806 views

KINALADKAD ang 21-anyos na tomboy sa loob ng bahay. Pagkatapos ay itinali ang kanyang mga kamay. Sumunod ay ibinigti umano siya ng tatlong lalaking suspek at pinanood siyang magkikisay hanggang mamatay.

Ang magkakapatid na lalaki ay mabilis na tumakas matapos umanong pagtulungang patayin ang umanoy miyembro ng LGBTQ sa loob ng isang bahay sa Helping Complex, Bgy. 105, Tondo, Manila, madaling araw nitong nakaraang Biyernes.

Dead on the spot ang biktimang nakilalang si Jawdie Arevalo, 21, ng 485 Corquera St.,Brgy 82, sa Tondo Manila.

Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD- Homicide Section, bandang 12:30 a.m., nang itawag sa kanilang opisina ang insidente.

Agad rumesponde si Det. Sir Christian Joseph Pineda, may hawak ng kaso kasama, ang mga operatiba ng PNP-Forensic ng MPD sa pamumuno ni PLt. Jonathan Pacus sa bahay ng pamilya Illigan upang magsagawa ng imbistigasyon at mangalap ng mga ebidensiya laban sa tatlong suspek.

Narekober ng mga operatiba ang itim na kordon ng kuryente na ginamit umano sa pagpatay sa biktima

Base sa report ni Det. Pineda, habang nasa carousel ang biktima, kasama ang ilan nitong kabarkada na nagkukuwentuhan,nang dumating ang nakakatandang Illigan, kasama ang mga utol nitong sina Ryan at Janel.

Ayon sa report ng imbestigador, sinubukang awatin ng biktima ang suspek na si Janel at live-in partner nito. Nagalit umano ang mga suspek sa ginawang pag-awat ng biktima.

Inakala ng biktima na malamig na ang sitwasyon kung kaya’t nang mag paalam na ito pasado alas 12 ng hatinggab ay biglang sumulpot ang suspek na si Ryan at kinaladkad ang biktima sa kanilang inuupahang bahay,

Pinagtulungan umanong dalhin ang biktima sa loob ng bahay ng mga suspek kung saan itinali ang dalawa nitong kamay. Pagkatapos ay binigti umano ang nasabing tomboy.

Nang makitang wala ng buhay ang biktima ay tumakas umano ang mga suspek.

Habang papatakas ang isa sa mga suspek nabanggit pa umano nito sa isang testigo na si Rose Ann na may napatay sila sa loob ng kanilang inuupahang bahay. Agad pinuntahan ng testigo ang pinangyarihan at tumambad sa kanya ang wala ng buhay na biktima,

Agad ipinagbigay alam ng testigo ang insidente sa nagpapatrolyang mga barangay tanod..

Agad nag tungo ang mga barangay tanod sa Smokey Mountain PCP-MPD sakop ng Station.1 upang ireport ang krimen.

Agad naman iniutos ni Manila Police District Director , Police Brigadier General Andre P, Dizon na magsagawa ng manhunt operation laban sa magkakapatid na nakilalang sina Janel Illigan, 24; Ryan, 23, at Janus, 20, pawang mga residente ng Helping Complex sa Barangay 105 sa Tond upang mabigyan ng histisya ang pagkamatay ng biktima.

AUTHOR PROFILE