Default Thumbnail

Titser pinatay ng bayaw sa away sa lupa

July 3, 2023 Bernard Galang 804 views

PATAY ang isang 36-anyos na guro matapos itong pagbabarilin ng kanyang bayaw dahil lamang sa away sa lupa sa Bulacan.

Batay sa isinumiteng ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ng Malolos police, kinilala ang biktima na si Mark Anthony Benedict, residente ng 1069 Tawiran St., Bgy. Panasahan, Malolos City, Bulacan.

Ang suspect ay ang mismong bayaw ni Benedict na si James Emerson Fernando, 30-anyos.

Bago ang pamamaril, muling nagkrus and landas ng magbayaw at nagkasagutan sa dati nang alitan sa lupa.

Sa kainitan ng away, bigla na lamang bumunot ng baril ang suspect at pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas.

Ilang mga nakasaksi sa insidente ang nagsugod sa biktima sa pinakamalapit na pagamutan kung saan ito idineklarang patay.

Agad na nagpalabas ng flash alarm and pulisya ng Malolos para sa kagyat na pagdakip sa tumakas na suspect.

AUTHOR PROFILE