Default Thumbnail

Tito sinagip nalulunod na pamangkin, dedo

May 22, 2023 Zaida I. Delos Reyes 197 views

PATAY ang isang lalaki matapos na malunod nang tangkain nitong iligtas ang nalulunod na pamangkin sa karagatan ng San Miguel, San Antonio, Zambales.

Nakilala ang biktima na si Mark Lester Soliven, 27-anyos at residente ng Western Bicutan, Taguig City.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP), ang biktima ay iniulat na nawawala dakong 4:30 ng hapon nitong Linggo nang sagipin ang pamangkin na hindi na pinangalanan.

Nakita umano ng biktima na nalulunod ang kanyang pamangkin kung kaya’t dali-dali siyang tumalon sa tubig at dinala ang pamangkin sa ligtas na lugar.

Gayunman, sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang nawala sa tubig ang biktima.

Makalipas ang dalawang oras nakita ang katawan ng biktima na lumulutang sa tubig kung kaya’t kinuha ito at isinugod sa Rural Health Unit subalit idineklara siyang dead on arrival.