
Tito Sen kay Ely: The feeling is mutual
Time out muna sa “Eat Bulaga” si Tito Sotto dahil nga muli siyang sasabak sa pulitika. He’s running for senator ngayong 2025 elections sa ilalim ng partidong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Ayon kay Tito Sen nang makausap ng entertainment press sa mediacon for senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, for three straight and solid years matapos ang 2022 elections ay talagang nag-enjoy siya sa muling pagho-host ng “EB.”
“The last three years, we definitely enjoy the therapy of ‘Eat Bulaga’. Enjoy kami roon. And we’re very fortunate to win all the cases we filed,” sey ni Tito Sen.
Ito nga rin kasi ang panahong nagkaroon sila ng battle para sa copyright infringement ng “Eat Bulaga” matapos nga ang pag-alis nila nina Vic Sotto at Joey de Leon sa TAPE, Inc., producer ng noontime show at lumipat sila sa TV5.
Ngayon ay panahon naman para bumalik siya sa Senado kaya muli siyang tumatakbo para sa nasabing posisyon.
Wala naman daw siyang nararamdamang awkwardness sa pagbabalik niya sa public service.
“I was always in touch with my colleagues in the Senate. As a matter of fact, hindi naman nawawala sa pagkuwento ang mga dating senador, lalo na ’yung mga inabutan ko riyan,” saad ng iconic TV host-comedian.
Samantala, natanong din kay Tito Sen ang tungkol naman sa issue ng isa pang OPM icon na si Ely Buendia.
Dahil nga muli na namang nauungkat ngayon ang pagkamatay ng dating sexy star na si Pepsi Paloma, isa rin muling nabuhay ay ang ang diumano’y ‘myth’ sa hit song ng dating grupo ni Ely na Eraserheads na “Spolarium.”
Noon pa nga usap-usapan na diumano’y ginawa nina Ely ang nasabing kanta para kay Pepsi dahil ang ilang lyrics umano nito ay tumutukoy sa alleged rape case ng yumaong sexy star.
Sinagot naman ito agad ni Ely sa isang presscon kamakailan at sinabing walang kinalaman ang TVJ at si Pepsi sa kantang “Spolarium.”
Aniya ay idolo niya ang nasabing iconic trio at tinawag pa niya itong ‘my heroes.’
“I was really heartbroken when that thing came out because I was such a huge fan of… they were my heroes. And I wouldn’t dream of writing a song to, you know, to tarnish my heroes,” pahayag ni Ely.
“So I think that’s the most ridiculous and real mean thing until today. That’s not about them, it’s not about Pepsi,” pahayag pa niya.
Nahingan ng reaksyon si Tito Sen sa sinabi ni Ely na tinitingala niya ang TVJ at itinuturing na mga bayani sa music industry.
“Oh, thank you so much. Thank you so much,” saad ni Tito Sen. “Pero sila ang mga bagong heroes ng entertainment industry, especially the music industry. Sila naman ’yun. And the feeling is mutual.”
Aniya pa, “Yeah, yeah, we love his music. We support his music, and ‘yung grupo nila noon.”