Sam Sam Milby

Sam hindi pa nakaka-move on kay Catriona

February 21, 2025 Eugene E. Asis 252 views
Catriona
Catriona Gray
Moira
Moira de la Torre

KAHIT isang taon nang hiwalay sina Sam Milby at Catriona Gray, sinabi ng aktor na hindi pa siya nakaka-move on.

Para sa ‘Saving Grace’ actor, magkakaroon lamang siya ng bagong karelasyon kapag nakalimutan na niya ang dating girlfriend. In fact, hindi pa isinasara ni Sam ang puso niya, “Oh no, I don’t have malalim na hugot na I don’t believe in love, I definitely believe in love.”

May mga nagsasabi na may pag-asa pang magkabalikan ang dalawa. Ito ay lalo na nang pabulaanan ng aktor ang tsismis na ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang singer na si Moira de la Torre. “Yes, it’s so funny and sad at the same time dahil ang daming naniniwala, they’re making their own assumptions.”

Tanong pa nga ng aktor, “Have you seen any evidence at all? Wala, because it’s not true! No truth to any of that at all. Kami ni Moira we’ve been always magkuya and there’s nothing (more) between us.”

Matatandaang nag-announce na nga ang dalawa (Sam at Cat) ng kanilang engagement two years ago pero nung isang taon, nalaman na lang ng mga tao na hiwalay na sila, at hindi sila nagbigay ng statement tungkol dito.

Marcos confident in boosting diplomatic ties with Czech Republic

At dahil nga walang makuhang dahilan, nag-one plus one ang netizens nang mahalukay ang mga lumang pictures nina Sam at Moira, at nabigyan ng malisya pati na ang pagtira noon ng singer sa bahay ng aktor.

Paliwanag ni Sam: “Sa amin ni Cat, we’ve always kept our relationship private, so, out of respect sa kanya, we haven’t talk our relationship (tungkol sa hiwalayan). Are we okay? Yes we are.”

Tungkol naman sa pag-iyak ni Cat sa concert ni TJ Monterde sa Araneta Coliseum kamakailam, kung saan seats apart lamang sila ni Sam, “Napaiyak kasi siya because TJ’s song is so beautiful but then it became awkward. Actually I wanted to comfort her but I couldn’t, I don’t think it was right.

“Yeah, it wasn’t the right time, I don’t think I was the right person to (do that) and yeah (baka isiping) gagawa ng scene. I don’t know what to do, so, it was a hard night at that time.

“But hanggang ngayon, if you gonna ask her or me, we’re okay, it was an emotional night because ang gaganda ng music ni TJ and that was it. Kahit tanungin n’yo siya (Catriona) I’m sure she would say that,” seryosong paliwanag ni Sam.

“Even after nu’ng paalis na ako ng concert, sabi ko, ‘Cat, I’ll just go backstage and she said okay,” aniya.

Susog pa ni Sam, “But people just highlighted the part that she’s crying and I understand people would think what they want, I’ll just learned to…I know the truth, we know the truth and bahala kayo (bashers),” kuwento ng aktor.

Sinabi niyang may mga tagpo na tumatawa ang beauty queen pero hindi yun nakunan.

Lahat ng hindi magandang pinagsasabi kay Sam ng netizens ay okay lang sa kanya, “You wanna hate me, you wanna make me the evil person, it’s okay. I can’t speak against Cat ‘coz she’s a good person ”

Samantala, mapapanood na ang “Saving Grace: The Untold Story”simula Marso 3 at kasama ni Sam sa serye sina Julia Montes, Janice de Belen, Zia Grace, Eric Fructuso at Sharon Cuneta mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

AUTHOR PROFILE