Posas1

Tirador ng groceries timbog

August 21, 2023 Jonjon Reyes 170 views

HINDI na nakapalag ang 33-anyos na lalaki nang arestuhin ng mga pulis dahil sa pagnanakaw ng mga grocery items sa loob ng isang L300 van noong linggo sa Peñafrancia St., Pandacan, Manila.

Nahaharap ngayon sa kaong pagnanakaw ang suspek na si Alyas Arniel, 33, ng 1901-K Int. 34 Brgy. 843 West Zamora St., Pandacan, Manila.

Base sa ulat na isinumite ni Police Master Sergeant Voltaire Esguerra ng Manila Police District-Pandacan Police Station 10, bandang 2:00 ng hapon nang madiskubre ng may ari ng grocery items na nawalang parang bula ang grocery items na nagkakahalaga ng P25,000 sa loob ng kanilang L300 van.

Matapos makumpirma na siya’y nanakawan, agad niya itong ipinagbigay alam sa punong barangay. Hindi nagtagal, may tumawag na isang concerned citizen na may nakita siyang lalaki na bumaba sa L300 na may bitbit na mga groceries bandang 9:00 ng umaga noong Linggo.

Nakilala ang suspek na isa umanong tirador sa kanilang barangay matapos na malaman na nag-aalok ito ng mga groceries sa kanilang lugar.

AUTHOR PROFILE