
TIKTOK STAR OF THE DAY
SA pangalan pa lang niya, alam mo nang may “goddess” vibes ang TikTok star na si Leslie Athena.
Isa sa mga Diyosa ng social media kung ituring si Leslie. Libo-libo ang kanyang followers across the platforms.
Sa TikTok account pa lang niyang @belllatt, dinudumog na agad ng reactions mula sa netizens ang mga videos niya. Mula lifestyle hanggang sa mga viral sounds o challenges sa app, kering-keri ipakita ng social media star.
Hindi rin pahuhuli sa Instagram si Leslie. Ang kanyang account doon na @leslieathenaa, pinapapak ng titig ng mga kelot niyang tagahanga. Kabogera kasi sa pagbabandera ng kanyang perfect body ang bombshell.
Ang TikTok star na si Leslie ang tiyak na iyong mapipili dahil ang kanyang contents ay tunay na kawili-wili.