Tiktok4

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 10, 2025 People's Tonight 158 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3PETMALU at may angas ang karisma ng TikTok star na si Shamae Cortez.

Mahusay magpa-wow ang social media star dahil sa mga ibinabahagi niyang contents. Sa TikTok account pa nga lang niyang @shamaecortez24, may dalang aliw ang kanyang mga videos.

Sa Instagram din ay hindi pahuhuli si Shamae, walang halong “keme” ang alindog niya. Sa account niyang @cortezshamae, maswerte ang kanyang followers na matunghayan ang kanyang lifestyle at pasabog pictures sa nasabing social media platform.

Loud and proud single mom nga si Shamae at bukod dito marami ring ine-endorse na produkto ang content creator mula sa mga affiliate brands sa TikTok.

Nakakahawa ang kanyang karisma, good vibes ang dala niya sa netizens. Isa ito sa dahilan kung bakit patuloy ang kanyang pagkinang sa digital world.

AUTHOR PROFILE