
TIKTOK STAR OF THE DAY
SA mundo ng pageantry, hindi lang kagandahan ang puhunan, dapat may tindig, confidence, at killer aura! At kung may isang TikTok star na pasok sa lahat ng kategorya, si Mariah Nicole Valdez ‘yan!
May grace ng isang beauty queen at appeal ng isang runway model, bawat video niya ay parang eksena mula sa isang high-fashion editorial. Subok na ‘yan kahit panoorin mo pa: @mariahnicolevaldez!
Isang tingin mo lang, tapos na ang laban — napasakamay na niya ang atensyon mo! Suave ang posing, effortless ang charm, at kahit candid shot pa ‘yan, mukhang pang-magazine cover!
Hindi na nakapagtataka kung bakit dumarami ang kanyang fans. Mariah Nicole is the total package — pang-stage, pang-screen, at syempre, pang-heartthrob na rin!