
TIKTOK STAR OF THE DAY
HABANG pataas ang kanyang numbers, pataas din ang init ng eksena sa TikTok. Abangan ang pag-reign ni Bianca Ylanan dahil mukhang hindi lang siya pang-rampa, pang-puso rin!
hindi lang ganda ang labanan — dapat may karisma, killer walk, at titig na kayang magpabagsak ng depensa. At dito, pasok na pasok si Bianca!
Sa bawat post niya, parang isang reyna na parating nakahanda para sa coronation night—elegante, classy, pero may matamis na landi sa kanyang aura.
Isang glance lang mula sa kanya, at parang ikaw na mismo ang nag-abot ng korona at puso mo! Kaya naman, kung bet mo refreshing content, bisitahin na ang kanyang account @biancaylanan, at mabighani sa isang tunay na Pilipina beauty!