
TIKTOK STAR OF THE DAY
“PAMELA one, mahusay siya sa sayawan. Pamela two, kabogera ang TikTok star na ito.”
Si Pamela Joy Lozano o mas kilala ng kanyang social media followers bilang Ela ay talaga namang nakakatunaw ang alindog sa mga videos.
Ang TikTok account niyang @elalozano_ ay halos 400K na ang followers. Sinusubay-bayan nga ng netizens ang mga pasabog na moves ng social media star sa kanyang dancing videos, pati na ang pag-lip sync niya sa mga trending sounds ng TikTok ay talaga namang binabaha ng likes, shares, at comments.
Bukod sa paggawa ng lifestyle contents, marami ring ine-endorse na produkto si Ela mula sa mga affiliate brands sa TikTok.
Kinahuhumalingan din si Ela sa Instagram page niyang @elajylzno_. Mukhang kakailanganin ng pamaypay sa mga bikini pictures at pasabog selfies ni Pamela, grabe kasi ang hotness niya sa social media.