
TIKTOK STAR OF THE DAY
HINDI nga maipagkakailang may taglay na kinang ang TikTok star na si Jewel. Sa pangalan pa lang niya, mabe-bejewel sa kanyang grace, a gem in every space.
Si Jewel Salvatus Rogel at ang kanyang TikTok account na @jewelaineyyy ay nagbibigay ngiti sa netizens sa pamamagitan ng kanyang contents.
Mahusay sa awrahan sa mga videos niya si Jewel. Kering-keri niyang makipagsabayan sa lip syncing at dancing sa mga viral sounds pati na trending templates sa nasabing video-sharing app.
Sa Instagram naman, may pagka-diyamante ang kanyang ganda, sure na mahuhumaling sa kanyang kariktan ang sangkalalakihang sa IG page niya’y nakaabang.
Ang account niya roon na @jhewelry__, pinupusuan ang bawat posts. Nag-uumapaw rin sa alindog ang social media star. Kabogera ang maganda niyang katawan sa mga bikini post ni Jewel.
“Shine bright like a diamond” ang pagiging star ni Jewel sa digital world.