Axcel

TIKTOK STAR OF THE DAY

September 30, 2023 People's Tonight 1470 views

Axcel1Axcel2Axcel3Axcel4Axcel5WITH her swag and coolness, she rules TikTok with finesse and turns heads everywhere.

Kilalanin ang TikTok star na si Axcel na may angking swag sa kanyang ningning sa nasabing social media platform.

Si Axcel Rose Mendoza o kung minsan ay kilala rin ng kanyang mga social media followers bilang “Lecxa” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 570 thousand followers at 4.7 million likes sa kanyang account na may username na @axcelrosemendoza0.

Sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @shehatesaxcelrose, na mayroon nang halos 50 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page na Lecxa Mendoza ay mayroong halos 333 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip syncing skills, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Hindi maitatangging may ibubuga ang kasikatan ni Axcel sa at patuloy na nakikilala ang ngalan niya sa mundo ng social media bilang digital creator. Ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at maging ang ilang brand partners ng dalaga.

AUTHOR PROFILE