Ali1

TIKTOK STAR OF THE DAY

September 26, 2023 People's Tonight 379 views

AliAli2Ali3Ali4Ali5CROP TOP, little waist, perfect body, and beauty. Iyan ang deskripsyon ng kanyang social media followers sa TikTok star na si Ali na patuloy ang pagkinang sa nasabing video-sharing app.

Si Aliza Mae Tininahan o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Ali” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 418.4 thousand followers at three million likes sa kanyang account na may username na @_lilithhhhh. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Facebook. Ang kanya ngang page ay mayroong halos 9,000 followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip syncing skills, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Dream body man ng karamihan ang katawan na mayroon si Ali, but she’s more than that. Kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo ang TikTok star, 3rd year at kumukuha ng kursong Tourism and Hospitality Management sa De La Salle University – Dasmariñas.

Di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Ali sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE