Gabby

Kiko at mga anak, hindi manonood ng Sharon-Gabby concert, KC inaasahang dadalo

September 26, 2023 Aster Amoyo 371 views

Gabby1Gabby2Gabby3SharonKCFORTY years ago in 1981 nang gawin ng estranged couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang pelikulang “Dear Heart,” isang teen romance-drama movie mula sa panulat at direksiyon ng yumaong megman na si Danny Zialcita under Sining Silangan Productions. Ang nasabing pelikula ang first movie ni Sharon at first team-up nila ni Gabby who later became her husband.

The movie was a blockbuster na naging daan ng sunud-sunod nilang hit movies under Viva Films tulad ng “P.S. I Love You (also in 1981), “My Only Love” (1982) “Sa Hirap at Ginhawa” at “Dapat Ka Bang Mahalin” (both in 1984), “Pati Ba Pintig ng Puso” (1985) and their last movie together (in 1990), ang “Bakit Ikaw Pa Rin”.

It was in July 1984 when Gabby proposed to Sharon sa backstage ng Araneta Coliseum while the latter was doing her dress rehearsals for her two-night concert at the Big Dome entitled “Sharon Solo with the Boys” na sinundan ng kanilang sikretong civil wedding. Two months later, on September 23, 1984, isang engrandeng kasal ang ginanap sa Manila Cathedral. And on April 7, 1985 ay isinilang ang kanilang kaisa-isang anak na si Maria Kristina Cassandra `KC’ Cuneta Concepcion.

KC was barely three years old nang magkahiwalay sina Sharon at Gabby. Naiwan sa pangangalaga ni Sharon si KC.

While Gabby was linked with other women, may ilang kilalang personalidad din ang naka-relasyon ni Sharon which include Albert Martinez, Richard Gomez, Robin Padilla at Tonton Gutierrez until she finally met her present husband na si dating Sen. Francis `Kiko’ Pangilinan na kanyang pinakasalan nung April 28, 1996 three years matapos ma-annul ang kanyang marriage kay Gabby.

Although hindi perfect ang marriage nina Sharon at Kiko, they are both grateful na mahigit 27 years na ang kanilang pagsasama and blessed with three beautiful children – sina Frankie, Miel at Miguel.

Being secure at supportive sa karera ng kanyang misis, never nakaramdam ng insecurity ang dating senador pagdating sa pakikipag-team-up muli ni Sharon sa kanyang ex boyfriends tulad nina Richard Gomez na isa na ngayong kongresista at Robin Padilla na isa namang senador.

Makailang beses na ring sinubukan ng ilang film producer na muling pagtambalin sa pelikula sina Sharon at Gabby pero hindi ito matuluy-tuloy kaya laking gulat ng marami (including their loyal fans) nang isang grand presscon ang naganap sa Crystal Ballroom ng Okada – Manila kamakailan lamang na may kinalaman sa kanilang kauna-unahang major concert together na pinamagatang “Dear Heart : The Concert” na nakatakdang ganapin sa October 27, 2023 sa SM MOA Arena na susundan ng VIP night sa Grand Ballroom ng Okada – Manila on October 30, 2023 at sa NuStar’s Convention Center in Cebu City on November 17, 2023.

Beforehand, sinabi ng publicist na si Jun Lalin na magkahiwalay na presscon ang magaganap sa pagitan ng former couple na sina Sharon at Gabby at sa rehearsals na lamang sila magkikita.

Although they had separate solo presscons, nag-abot sina Gabby at Sharon. Habang nagpapaalam na si Gabby sa entertainment media ay saka naman sorpresang dumating si Sharon kaya nagkaroon ng photo op ang mga dumalong media and vloggers sa dating mag-asawa na magkasama. Si Gabby pa ang nag-introduce at nag-abot ng arm boquet kay Sharon at hiningan ang dating misis ng kiss at hug na pinagbigyan naman ng megastar to the delight ng mga dumalong entertainment media and vloggers.

May kilig factor pa rin ang dating couple. Ginulat naman ni Sharon ang lahat ng dumalo sa grand media conference dahil sa laki ng ipinagbago ng pangangatawan nito. Proud na ibinahagi ni Mega na mahigit 100 lbs. umano ang nawala sa kanya and the process took her seven months.

Ilang naughty press naman ang nagsabi na mas bata na umanong tingnan ngayon si Sharon kesa sa anak nila nila ni Gabby na si KC Concepcion.

Samantala, during the presscon, sinabi ni Sharon na hindi umano manonood sa concert nila ni Gabby ang mister niyang si Kiko maging ang mga anak nilang sina Frankie, Miel at Miguel.

Kakaiba ang magiging tema ng kauna-unahang concert nina Sharon at Gabby na nakatakdang idirekni Paolo Valenciano, panganay ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano at pamangkin ni Kiko.

Hindi pa masabi nina Sharon at Gabby kung ito’y susundan ng kanilang concert tour sa Amerika at sa ibang bansa at inaasahang reunion movie. Depende na rin siguro ito sa magiging resulta ng kanilang first concert ever bilang tandem which took over 42 years to materialize.

Hindi kami magtataka kung darating si KC sa rare concert ng kanyang estranged parents.

During the presscon, nagbigay ng mensahe ang Megastar kay KC.

“I will always be your mom. We are your family. You are not alone, you have two families.”

“I miss KC,” pahabol pa ni Sharon.

Mga bagong mukha inilunsad ng Net25

PicPic1KUNG ang ABS-CBN ay may Star Magic at Sparkle GMA Arists Center naman ang GMA, ang NET25 ay may sarili pool of in-house talents na rin sa pamamagitan ng Star Center Artist Management na pinamumunuan ng actor-director na si Eric Quizon.-

Just recently, 30 new aspiring artists ang sabay-sabay na ipinakilala kasama ang teen-age daughter ng dating mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta na si Bo Bautista, ang anak ng longtime partners na sina Mader Ricky Reyes at Cris Aquino na si Jam Aquino maging ang younger sister ng singer-actor na si L.A. Santos na si Kanishia Santos.

Pinamagatang “Star Kada: Net25 Star Center Grand Launch,” ito’y ginanap nung September 15, 2023 sa EVM Convention Center kung saan nakita ang total transformation ng 30 mga baguhan sa showbiz na sumailalim ng rigid trainings and workshops in acting, singing and dancing plus personality development sa loob ng tatlong buwan before they were officially presented to the media and to the public.

Extremely proud ang actor-director na si Eric (Quizon) sa newbies ng Net25 na inaasahan niyang gagawa ng pangalan sa malapit na hinaharap.

Bilang panimula, ang bagong talents ng Net25 Star Center ay agad sasabak sa “Star Kada: The Road to Kada 25,” isang daily afternoon reality show at ang pangalawang show ay ang “Kada 25,” isang musical, light drama series na mapapanood sa unang quarter ng 2024.

During the grand launch, namataan namin doon ang mag-partner na Mader Ricky Reyes at Cris Aquino cheering for their daughter na si Jam Aquino, ang businesswoman na si Flor Santos in support of her daughter na si Kanishia Santos maging ang dating mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta para sa kanilang anak na si Bo Bautista.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X) @aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE