Maxene Larawan mula sa IG/@maxenemagalona

Maxene Magalona gustong tinatawag siyang ‘weird’

September 26, 2023 People's Tonight 195 views

NAGBAHAGI ang aktres na si Maxene Magalona tungkol sa mga taong weird at kung paanong madalas din siyang tawaging “weird.”

Nitong Lunes, Setyembre 25 sa kanyang Instagram page, nag-post ng ilang selfie ang aktres na makikita ang kanyang simple look.

Kalakip ng ilan niyang larawan ang isang quote galing kay Andrea Gordon tungkol sa mga “weird people” at ibang klase ng mga tao.

“‘I like weird people. The black sheep, the odd ducks, the rejects, the eccentrics, the loners, the lost and forgotten. More often than not, these people have the most beautiful souls.’ — Andrea Gordon,” quote na isinulat ng aktres sa caption ng kanyang post.

Samantala, inilantad naman ni Maxene na may ibang tao ring tumatawag sa kanya na weird.

Gayunman, ayos lang sa aktres na binabansagan siyang weird ng ibang tao, gusto pa nga niya umanong tinatawag siya nito. Hinikayat din ni Maxene ang iba na yakapin ang kanilang pagiging weird.

“Some people call me weird and I like it. Embrace your weirdness,” sey ni Maxene.

AUTHOR PROFILE