
TIKTOK STAR OF THE DAY
A GIRL who can do karate while mesmerizing everybody with a stunning face and body? Nina has it all! Tiyak na kayang-kaya makipagsabayan ng nasabing TikTok star dahil sa taglay nitong karisma na siyang dahilan upang siya’y tingalain ng netizens sa video-sharing app.
Si Nina Andrea Dizon o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Nina” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.
Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 238.4 thousand followers at 5.4 million likes sa kanyang account na may username na @nnxdznn. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram, na mayroon nang lagpas eight thousand followers sa kasalukuyan.
Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body at skin, pagiging fashionista, lifestyle content, lip syncing skills, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.
Hindi lang perfect body at face ang kayang ibandera ni Nina, may angking talino rin ang dalaga. Siya ay isang honor student at kasalukuyang nasa kolehiyo at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa De La Salle University – Dasmarinas.
Patuloy ngang nagniningning ang ngalan ni Nina sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at maging ang ilang brand partners ng dalaga.