Andrea Mga larawan mula sa Instagram/@blythe

Andrea Brillantes nakigulo sa finals ng FIBA World Cup

September 12, 2023 People's Tonight 444 views

ENJOY na enjoy na nanood ang model-actress na si Andrea Brillantes ng finals ng FIBA World Cup.

Sa kanyang Instagram page nitong Lunes, Setyembre 11, ibinahagi ng aktres ang ilang larawan ng moments niya sa panonood ng kompetisyon.

Makikita sa mga larawan na naki-celebrate si Andrea sa nanalong koponan na Germany sa finals ng FIBA. Game na game ring nakipag-selfie sa kanya ang MVP ng FIBA World Cup na si Dennis Schröder.

“Unforgettable moments at the FIBA World Cup! Thank you, FIBA for the incredible experience!” pahayag ng “Senior High” star sa caption ng kanyang post.

Kasama niyang manood ang kapwa celebrities na makikita rin sa mga larawang ibinahagi ng dalaga, na sina Maja Salvador at Kyle Echarri.

Nanood din kasama ni Andrea ang malalapit niyang kaibigan o “ABCD Girls” na sina Criza Taa at Bea Borres.

AUTHOR PROFILE