Tiktok4

TIKTOK STAR OF THE DAY

June 29, 2024 People's Tonight 42 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3TODO request ang netizens na i-remake ng TikTok star na si Maria Follosco ang kanyang mga iconic dance videos.

Iba ang husay ng social media star kapag siya na ang humataw sa stage ng TikTok.

Tamang timpla siya ng mga salitang elegance, refinement, at sex appeal.

Ang ebidensya niyan ay masasaksihan sa kanyang TikTok account na @maryacedez8, at kahit hindi na masyadong active, patuloy ang pagbuhos sa kanya ng suporta ng higi 110 thousand niyang followers.

Masagana sa pampagana ang content ni Maria. Nabubuhayan ang mga kalalakihan sa pag-stalk sa kanyang account. Mapapa-scroll sila ng matagal sa nag-uumapaw na hotness niya.

Hinahangaan ang kanyang kariktan kung sa ‘for you feed’ ito ay mapadaan. Kabogera ang kanyang karisma sa mga videos kung saan masisilayan siyang todo-awra.

Bakas sa kanyang posts ang pagiging travel lover ni Maria. Iba’t ibang bansa na nga ang napuntahan niya.

Maging sa Instagram account niyang @maryacedez pasabog ang kanyang bikini life. Umuulan ng kaseksihan ang mga ibinabahagi niyang larawan. Enjoy sa magandang view ang higit 450 thousand niyang followers.

AUTHOR PROFILE

Tiktok Star

SHOW ALL

Calendar