Tiktok1

TIKTOK STAR OF THE DAY

May 5, 2024 People's Tonight 690 views

TiktokTiktok2Tiktok3Tiktok4MIYEMBRO siya ng “aesthetic” group sa social media. Hindi literal pero alam mong may appeal. Siya ang iyong “Sasa babe” si Sasa Mirasol, ang TikTok star na humakot na ng 106.8K followers at 186.7K likes.

Isa sa mga katangian na nagpapahayag ng kanyang persona ay ang kanyang “aesthetic” na pananamit at presensya. Bilang isang social media personality, ipinapakita ni Sasa sa kanyang mga post ang magagandang “outfit of the day” — na tila isang modelo sa pagpapakita ng kanyang kagandahan at estilo.

Bukod dito, pinupusuan din ng kanyang mga tagahanga ang kanyang mga dub videos at iba’t ibang random na nilalaman na kanyang ibinabahagi sa kanyang TikTok account.

Hindi lamang kilala si Janesse sa kanyang kagandahan at fashion sense, kundi isa rin siyang indibidwal na puno ng talento. Kaya naman kung gusto mo pa siyang makilala, bisitahin na ang kanyang profile: @_sasababe.

AUTHOR PROFILE