Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 2, 2024 People's Tonight 86 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4SHE a baddie, she knows she’s a ten,” ‘yan ang lyrics mula sa trending na kanta na perpektong deskripsyon sa TikTok star na si Daisy Jimenez Villagonzalo.

Kahit na nasa halos 50 thousand followers pa lang ang meron siya sa kanyang bagong TikTok account na @flowerrrr070, bigay-todo pa rin kung magpakitang gilas ng kanyang mga kayang gawin si Daisy sa mga ibinabahagi nitong contents sa social media.

Kung sa pagalingan lang sa pag-awra, sa lip syncing, at paggiling ang labanan, tiyak may ibubuga riyan ang nabanggit nating rising TikTok personality.

Maging sa Instagram account nitong @daisyjimenez07, masusulyapan ang pagiging fashionista ni Daisy. Talagang hahangaan at mapapatulo ang laway ng kahit na sinong barakong mapapadpad sa kanyang page kapag nakita na ang perpektong hubog ng katawan ng social media star.

Sa patuloy na pag-usbong ng kanyang pangalan sa digital world, hindi na mapipigilan ang pagkinang ng kanyang talento at kariktan. Sa atensyon na kanyang nakukuha mula sa madla, ang kanyang mga tagahanga ay hindi na mawawala. Kaya kilalanin ang TikTok star na si Daisy!

AUTHOR PROFILE