Maymay2

Foreigner BF inabsuwelto ni Maymay sa ‘lihis landas’ post

April 2, 2024 Vinia Vivar 134 views

Kaagad na nilinaw ni Maymay Entrata na hindi ang ex-boyfriend niya ang kanyang tinutukoy sa statement niyang nalihis siya ng landas noong 2021.

Noong Sunday kasi ay ibinahagi ng aktres/singer ang isinagawang pagbinyag sa kanya bilang Christian at ikinuwento ang panahong nagkamali siya ng daang tinahak.

“I’ve been a Christian since 2015, got lost when I entered the industry, was invited and attended favor church last 2019, took the wrong path again (2021) not until 2023, when I slowly came back to Him,” pahayag ni Maymay.

Marami agad ang nagkonek na ang tinutukoy ni Maymay na pagkakamali ay ang dating dyowang foreigner na si Aaron Haskell.

Kaya naman nilinaw agad ng dalaga na hindi si Aaron ang kanyang tinutukoy kundi ang kanyang trauma na pinagdaanan.

“Hello po sa lahat, gusto ko lang po mag explain ng konti about dun sa last post ko sa IG. ‘I took a wrong path again nung 2021’ it was my past trauma po. I was hurt and so I hurt other people even the people I love,” pahayag ni Maymay sa X (dating Twitter).

Kasunod nito ay nakiusap ang aktres sa netizens na maging ‘kind’ kay Aaron.

“I’m asking lang po sana to be kind especially po from my past relationship (Aaron). Do not take this against him. From the bottom of my heart maraming salamat po,” aniya.

Actually, kumpirmasyon na rin ito from Maymay na talagang wala na sila ni Aaron.

Matatandaan na taong 2021 nang makilala ni Maymay ang ex-boyfriend. Isinapubliko niya ang kanilang relasyon noong 2022.

Nitong nakaraang Marso ay marami ang nakapansin na nag-unfollow sa isa’t isa ang dalawa kaya kumalat ang ugong na hiwalay na nga sila.

AUTHOR PROFILE