Magi

Tigre, langaw at POGO

June 15, 2024 Magi Gunigundo 79 views

ANG istorya ng POGO ay nagsisimula sa malawakang kampanya laban sa korapsyon sa Komunistang Tsina noon 2012 nang maupo si Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista. Nangako si Xi na lilipulin ang “mga tigre at langaw” (ang mga matataas na opisyal at maliit na lokal na mga lingkod sibil) na sumisira ng partido Komunista at ng Komunistang Tsina.

Pinagbawalan ang mga tigre at langaw na magtungo sa Macau para magsugal. Upang makaiwas sa parusa, ang Pilipinas ang napiling buhusan ng mga Macanese gambling empires ng Foreign Direct Investments (FDI) ng offshore gambling operations dahil hindi naman bawal magsugal ang mga Intsik sa labas ng Tsina.

Seryoso ang kampanya sa korapsyon na tatak ng liderato niPangulong Xi.

Nakasilo ng mahigit 120 matataas na opisyal, kabilang ang humigit-kumulang isang dosenang matataas na opisyal ng militar, ilang senior executive ng mga kumpanyang pag-aari ng estado, at limang pambansang pinuno. Noong 2023, humigit-kumulang 2.3 milyong opisyal ng gobyerno ang pinagsakdal at kinulong.

Ang mga tigre at langaw ng partido ay binitay na o nakakulong ng habang buhay batay sa bigat ng korapsyon na napinapaluputan ng pagsusugal nila.

Tsina ang pinagmulan ng Pai Gow, Keno, at Mah Jong, kaya masasabi nating bahagi ng kultura ng Intsik ang pagsusugal.

Gayun pa man, pinagbawal ng mga Komunistanoon 1949 ang pagsusugal. Maliban sa Macau, state lottery at karera ng kabayo, bawal ang sugal sa Komunistang Tsina.

Pagkaraan ng pitong dekada, marami ng Intsik ang yumaman dahil sa export economy ng bansa nila, at kating kati ang mgapalad na magsugal.

Sinabi ni James Packer (Australian Casino Tycoon) na 80% ng mga Intsik na naglalakbay sa ibang bansa sa unang pagkakataon ay bumibisita sa isang casino.

At habang parami ng parami ang mga Intsik na yumayaman para makapaglakbay saibang bansa, ang sinupil na pagnanasang magsugal ay sumabogsa buong Asya. Karamihan sa 340 o higit pang mga casino sa Timog-Silangang Asya ay tinayo na may tahasang layunin naakitin ang mga Intsik na sugarol.

At marami ang nasiyahan sa bonanza: ang tinatayang 1trilyon yuan ($144bn) na pera sapagsusugal ay nawawala sa ekonomiya ng Tsina bawat taon.

Dalawa ang katangian ng economic landscape ng Pilipinas na umakit ng $1.04 bilyon FDI sa pagsusugal noon Marso 2018(batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas).

Una, matamlay ang ating “export economy” (Alvin Camba, 2018) kaya nangungusap ang pera ng mga nagpapasugal.

Naupahan ang mga lupain ng Pilipinas na nakatiwangwang, at nagpagana sas ektor ng konstraksyon sa pagtatayo ng POGO. Gayunpaman, ang mga negatibong epekto ay naitala sa pangmatagalang trabaho, mga presyo ng pabahay, at mga krimen tulad ng human trafficking (nakakalamang pati human organ trafficking), kidnapping, financial scam, prostitusyon, at money laundering.

Ikalawa, ang pagiging “consumption-based, inward-focused economy” ng Pilipinas ang nagsilbing magnet sa Macanes gambling empires.

Ito ay ganap na nauugnay sapangunahing istratehiya ng pag-unlad ng Pilipinas mula 1970s: ang pagluluwas ng milyun-milyong OFWs na nagpapadala ng remittances na ginagastos sa mga mall, hotel, casino, at panloobna pamilihan na tinututukan ng pribadong sektor.

Mura ang lupa sa Myanmar, Laos, at Cambodia ngunit wala silang mga marangyang mall, hotel, at onsite na casino tulad ng nasa Pilipinas na umaakit ng mayayamang turista. Ang Indonesia at Malaysia ay mas mahusay ang imprastraktura sa Pilipinas, ngunit balakid ang mga regulasyon batay sa Islam.

Sa Thailand, mga monghe at ang posisyon ng estado laban sa pagsusugal ay negatibo para sa sugarol. Mataas din ang presyo ng lupa sa Jakarta, Kuala Lumpur, at Bangkok. At dahil export-oriented ang mga ekonomiyang ito, walang dating sa may kapangyarihan ang FDI sa pagsusugal.

Ang kwento ng POGO ay malalim at hindi natin ito basta maisasarado. Sumasang-ayon tayo kay Ispiker Martin Romualdez na palakasin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng batas sa loob at labas ng mga POGO, at ng makatulong tayo sapaghuli ng mga tigre at langaw, Intsik man o Pilipino.

AUTHOR PROFILE