Mcclise

Third party sa breakup kay Elisse, dinenay ni McCoy

January 7, 2023 Vinia Vivar 291 views

Sa kanyang series of Instagram Stories, kinumpirma ni McCoy de Leon ang hiwalayan nila ni Elisse Joson. Kasabay nito ang pagtanggi niya na may third party involved sa kanilang paghihiwalay.

“Sorry po, pasensya na po sa inyong lahat… Hindi po totoo ‘yung mga convo na kumakalat, hindi po ako ‘yun. Pasensya na po ulit,” ang una niyang paglilinaw.

Ang tinutukoy ni McCoy ay ang lumabas na screenshot ng conversation nila ng content creator na si Mary Joy Santiago na sinasabing dahilan ng breakup nila ni Elisse.

“Wala pong (involved) na ibang tao (sa) pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo,” sumunod na pahayag ng aktor.

Sa huling post ay sinabi niya ang dahilan ng kanyang pagsuko.

“Hindi ko po intensyon (na) manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko,” paliwanag niya.

Hindi na sinabi pa ni McCoy kung ano ang mabigat na problema na nagresulta sa kanilang paghihiwalay.

Ang daming nalungkot para sa dalawa lalo pa nga’t may isa silang anak, si Felize, na isang taon pa lang.

Wish ng kanilang fans na sana’y magkaaayos pa ang dalawa.

AUTHOR PROFILE