Moon

‘The Moon,’ pamaskong handog ng Viu sa K-drama fans

December 21, 2023 Ian F. Fariñas 129 views

Handog ng Viu sa fans ng Korean movies ang isang masterpiece na nagkamit ng papuri at parangal. Mapapanood na sa Viu Philippines simula ika-24 ng Disyembre, bisperas ng Pasko, ang pelikulang “The Moon.”

Kuwento ito tungkol sa isang exploration sa buwan kung saan naistranded ang batang astronaut na si Sun Woo, at kung paano siya susubukang iligtas ng kanyang space center sa tulong ng dating astronaut na si Kim Jae Guk.

Si Do Kyung Soo, member ng kilalang K-pop boy band na EXO, ang gumaganap sa karakter na si Sun Woo, at ang “The Moon” ang kanyang unang starring role sa pelikula.

Para sa mahusay na pagganap, nanalo si D.O. (palayaw ni Do Kyung Soo) bilang Star of the Year sa 2023 Buil Film Awards ng South Korea.

Na-nominate rin siya bilang Best Actor sa Grand Bell Awards at Blue Dragon Film Awards.

Mapapanood si D.O. sa Viu comedy documentary series na “GBRB: Reap What You Sow” at sa K-drama na “Bad Prosecutor.”

Pinuri ng mga manonood ang “The Moon” at inilarawan ito bilang “superb”, “immersive”, “thrilling” at “mind-blowing”.

Panoorin ang “The Moon” sa original Korean version with English subtitles o Tagalog dubbed version sa Viu Premium.

AUTHOR PROFILE