Bianca Manalo dedma sa cheating issue, nagliwaliw sa Japan
FLINEX ng former beauty queen at aktres na si Bianca Manalo ang kanyang trip sa Japan kasama ang kanyang pamilya.
Sa gitna ito ng isyung idinadawit siya sa cheating issue kasama si Herlene Budol sa Kapuso starlet na si Rob Gomez, matapos maging usap-usapan ang di umano’y screenshots ng conversation nila na ibinahagi sa social media ng aktor.
Sa kanyang Instagram stories, ibinida ni Bianca ang masayang pagliliwaliw nila sa Tokyo, Japan.
Nito lamang ay kumalat sa social media ang conversation nina Bianca at Rob sa Telegram at IG.
“You didn’t reply on Telegram. Meron ka na naman na pick-up na ibang girl noh,” mensahe umano ng former beauty queen sa Kapuso starlet.
“Kaya mo pumunta that early? 7 am? Brought my dogs here sa Makati. Let me know para I can go back to BGC early to see you before I leave at 10 am…He’s not here. He’s in Valenzuela,” ayon pa sa hiwalay na mensahe umano ni Bianca kay Rob.
Si Sen. Sherwin Gatchalian ang longtime at kasalukuyang nobyo ni Bianca.