
Tessie Agana babalik sa bansa para sa FAMAS
GINANAP ang Nominees Night ng 70th FAMAS sa Sampaguita Gardens Events Place in Valencia Quezon City last Saturday, July 24 na dinaluhan ngmga nominado sa FAMAS Awards Night sa Metropolitan Theater sa darating na Sabado, July 30.
Kasama sa dumalo sa FAMAS’ Nominees Night ay si Dingdong Dantes na isa sa mga nominado sa pagka-Best Actor para sa pelikulang “A Hard Day” which he co stars with John Arcilla na dinirek ni Law Fajardo (na naroon din) under Viva Films. Dumalo rin ang dalawa sa mga nominado sa pagka-Best Actress na sina Janine Gutierrez (for “Dito at Doon”) at ang four months pregnant singer-actress na si Rita Daniela (for “Huling Ulan sa Tag-Araw”).
Ang 70th FAMAS Awards (Platinum Jubilee) ay pinamumunuan pa rin sa ikapitong taon bilang president at Chairman of the Board na ni Gng. Francia C. Conrado.
Inaasahan ang pagiging star-studded ng darating na FAMAS Awards Night sa pagdalo ng mga nominado sa iba’t ibang kategorya.
Dalawang special awards ang matatanggap ng bagong hirang na National Artist for Films na si Nora Aunor. Ito ang FAMAS Natatanging Alagad ng Sining (along with another National Artist na si Ricky Lee) at ang bagong parangal na Susan Roces Entertainment Award na unang igagawad sa superstar.
Nakatakda ring dumating galing Amerika ang 1950’s child star ng Sampaguita Pictures na si Tessie Agana na siyang tatanggap ng FAMAS Lifetime Achievement Award.
Si Tessie ay nagsimula sa bakuran ng Sampaguita Pictures nung 1950 bilang child actress at ang pelikulang “Roberta” ang kanyang biggest hit.
Bukod sa “Roberta,” ang iba pa niyang hit movies include “Ang Prinsesa at ang Pulubi,” “Kerubin,” “Anghel ng Pag-ibig” at iba pa.
Her last movie was “9 Teeners” in 1969.
Tessie is now 79 years old at sa Amerika na naka-base with her family.
Samantala, bukod kina Janine Gutierrez at Rita Daniela, ang iba pang nominado sa pagka-Best Actress ng FAMAS ay sina Charo Santos-Concio para sa pelikulang “Kun Maupay Man It Panahon,” Sharon Cuneta for “Revirginized,” Maja Salvador for “Arikasa’ at Nicole Laurel Asensio for “Katips”.
Ang mga nominado for Best Actor ay sina Dingdong Dantes for “A Hard Day,” Christian Bables (“Big Night”), Vince Tanada (“Katips”), Jerome Ponce (“Katips”), Daniel Padilla (“Kun Maupay Man It Panahon”) at Mon Confiado (“Arisaka”).
For Best Supporting Actress ay nominado sina Eugene Domingo (“Big Night”), Janice de Belen (“Big Night”), Adelle Ibarrientos (“Katips”), Rans Rifol (“Kun Maupay Man It Panahon”), Luz Valez (“My Amanda”) at Shella Mae Romualdo (“Arisaka”).
For Best Supporting Actor ay may dalawang nominations si John Arcilla para sa pelikulang “A Hard Day” at “Big Night”. Ang iba pang nominado sa kategorya ay sina Mon Confiado (“Katips”), John Rey Rivas (“Katips”) at Nico Antonio (“Big Night”.
Ang mga nominado for Best Director ay sina Vince Tanada (“Katips”), Law Fajardo (“A Hard Day”), Jun Lana (“Big Night”) at Carlo Franciso Manatad (“Kun Maupay May It Panahon”).
Nominado naman for Best Picture ang “Kun Maupay Man It Panahon” ng Cinematrografica, Planc and Quantum Films, “Katips” ng Philstagers Films,”Big Night”ng Cignal Entertainment, Octobertain Films at Quantum Films, “A Hard Day” ng Viva Films at “Arisaka” ng Ten17P.
Rachel nasa bansa para sa isang concert
NASA bansa ngayon ang singer-actress na si Rachel Alejandro to hold a night concert at the Ballroom ng Winford Manila Resort & Casino on July 30, 2022 at 8 p.m. Ito ang kanyang kauna-unahang live concert in the Philippines after the pandemnic but her 11 th after her ten-day concert tour in the US.
Sa New York, USA naka-base ang journalist husband ni Rachel na si Carlos Santamaria kaya most of the time ay sa Amerika din siya nagi-stay.
Pero kapag may mga commitments siya sa Pilipinas ay bumabalik siya tulad nang gawin niya ang lock-in taping ng hit primetime TV series na “The Broken Marriage Vow” na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Zaijian Jaranilla at Sue Ramirez.
Rita four months na ang ipinagbubuntis
NAGKITA kami ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela sa Nominees Night ng FAMAS last Saturday night (July 23) na ginanap sa Sampaguita Gardens Events Place.
Four months na umano ang kanyang ipinagbubuntis ngayon and is due to give birth in January 2023.
Masaya si Rita sa kanyang nomination bilang Best Actress sa FAMAS para sa pelikulang “Huling Araw sa Tag-ulan” na pinagtambalan nila ni Ken Chan at dinirek ni Louie Ignacio at joint production ng GMA Pictures and Heaven’s Best Entertainment.
“Sobrang mabibigat na artista ang mga co-nominees ko for Best Actress kaya napakalaking karangalan na sa akin ang ma-nominate,” pag-amin pa ni Rita.
Napakaganda niya nang siya’y dumalo sa nomination night ng FAMAS kaya marami ang nagsasabi na babae ang ipinagbubuntis niya..
Napaka-professional naman ni Janine Gutierrez dahil siya ang kauna-unahan sa mga celebrity nominees ang dumating and waited patiently hanggang sa pagsisimula ng event until siya’y matawag on stage for her nomination plaque.
Para silang nag-usap ni Rita Daniela sa kulay ng kanilang kasuotan as both came in beige.
What’s on TicTalk
WATCH for my exclusive interview with Carmi Martin on my online show, “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Don’t forget to subscribe, like, share and hit the bell icon for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and witter@aster_amoyo.