Default Thumbnail

Teller na nakamotor dedo sa van

March 25, 2024 Jojo C. Magsombol 86 views

DEAD-on-the-spot kamakalawa ang rider ng makabanggaan ang van sa national road sa Brgy. Poblacion, San Pascual, Batangas.

Nasawi si Jeffrey Arzua Zepeda, 33, bank teller, at residente ng Brgy. Danglayan, San Pascual, Batangas dahil sa tindi ng injuries sa katawan at ulo.

Alas-5:20 ng umaga ng matanggap ni P/Cpl Richter Leyesa Lescano, duty desk officer, ang aksidente sa kalye.

Papasalubong ang Honda Click ni Arsua ng mabangga ang Isuzu Wing Van (NEJ 2488) na minamaneho ng isang 43-anyos na lalaki at residente ng Brgy. Poblacion, Narciso, Quezon.

Dahil sa impact, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Ursua na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

AUTHOR PROFILE