
Taal nag-motorcade para sa Dental Health Month
BILANG pakikiisa ng Batangas sa 20th National Dental Health Month, isang motorcade ang pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO) sa Taal, Batangas noong Peb. 7.
Dumaan ang motorcade sa mga barangay ng bayan at bumisita sina PHO head Dr. Rosvelinda Ozaeta at assistant department head Dr. Lally Masangkay sa ilang mga paaralan para sa paglulunsad ng “Orally Fit Child Club.”
Ayon kay Provincial Oral Health Program Coordinator Dr. Dionisio Burog, Jr., 142 mag-aaral ang napagkalooban ng orally-fit child certificate.
Binigyang-diin din niya na dapat sa murang edad pa lamang naituturo at nagagabayan na ang mga bata tungkol sa tamang pangangalaga ng ngipin.
Iikot ang grupo sa mga bayan para sa mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Oral Health Month ngayong Pebrero.
Katuwang ng Taal sa proyekto ang butihing mayor na si Pong Mercado.