Sylvia

Sylvia, photographer at videographer nina Arjo at Maine

October 16, 2023 Vinia Vivar 362 views

Super happy si Sylvia Sanchez bilang mother-in-law ni Maine Mendoza.

Proud na sinabi ng premyadong aktres sa Instagram kahapon kung gaano niya kasundo ang misis ng anak niyang si Arjo Atayde.

Nagbahagi si Ibyang ng mga photo at video nina Arjo at Maine sa bakasyon nila sa ibang bansa.

Makikita sa mga video at larawan ang sweetness at lambingan ng mag-asawa.

Ayon kay Ibyang, siya ang naging photographer at videographer ng dalawa.

“This is a first for me. It feels so great to be a Mother-In-Law lalo na pagkasundo mo ang Daughter In Law mo,” wika niya.

“What a Blessing to have this kind of relationship with you my daughter @mainedcm,” mensahe pa niya sa manugang.

“Ito ang tanging hiling namin sa mga anak namin. Uwian kami ng mabubuting asawa,” sey pa ng aktres.

Mensahe niya ulit sa manugang, “Maine nak, I Love watching you & Arjo Happy and I am behind you two 100%.”

“Ako taga picture at taga-video ninyo so we can capture wonderful moments. At gaya ng sabi ko sayo, ito din ang gagawin mo later on sa mga magiging anak nyo ni Arjo,” bilin pa ni Ibyang kay Maine.

“Let’s fill up our hearts with countless happy memories. This is our second trip together and super excited ako dahil ang next trip natin ay kasama na ang buong pamilya. Soon.

“Yahoooo!!!!!! Loving You both @arjoatayde @mainedcm brings me so much joy & happiness?? Love you my kiddos,” pahayag pa ni Ibyang na mababakas sa panulat ang kasiyahan.

AUTHOR PROFILE