Default Thumbnail

SUV nahulog sa bangin sa Quezon, 7 sugatan

December 20, 2023 Zaida I. Delos Reyes 230 views

SUGATAN ang pitong tao matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyang SUV nitong Lunes ng umaga sa Maharlika Highway, Bgy. Bagong Silang, Calauag, Quezon.

Nakilala ang mga biktima na sina Naprel Santiago, driver ng van, at mga pasaherong sina Jocelyn Ervas, Marlyn Marangot, Christopher Santiago at tatlong menor de edad.

Batay sa ulat ng Quezon-PNP, naganap ang insidente dakong 6:45 ng umaga sa Maharlika Highway sa nasabing bayan.

Lulan umano ang mga biktima ng isang Toyota Innova (NAN-2440) na minamaneho ni Santiago.

Ayon sa ulat, binabaybay ng sasakyan ang pataas at palikong bahagi ng kalsada nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at bumulusok sa bangin.

Agad rumesponde ang mga awtoridad sa insidente at dinala ang mga biktima sa Saint Peter General Hospital.