Posas

Suspek sa panggagahasa huli sa San Jose

October 6, 2023 Steve A. Gosuico 646 views

SAN JOSE CITY–Nahuli ng pulisya ang isang suspek sa panghahalay sa lungsod na ito noong Huwebes.

Kinilala ni city police head Lt. Col. Ariel Enriquez ang naaresto na 21-anyos at nakatira sa Sitio Junior Campo, Bgy. Sto. Niňo 2nd, San Jose City.

Naaresto ang suspek sa kanyang bahay dakong alas-6:30 ng umaga, ayon sa mga pulis.

Nahaharap ang suspek sa tatlong bilang ng panggagahasa.

Walang piyansa na inirekomenda ang San Jose regional trial court branch 38 para sa pansamantalang paglaya ng suspek, ayon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE